KATULONG ang nagdala ng pagkain kay Dana. She was hungry at nasa kalahati na sa pagkain nang pumasok si Cielo.
"Thank God you're awake now," bungad ni Cielo na naupo sa gilid ng kama. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napangiti si Dana. "I am okay. At hindi ko akalaing mapapadali ang pagkikita natin dito sa isla..."
"But what happened to you? Bakit sa mausuleo ka nakita ni Lenny?"
"Lenny?" Nahinto siya sa pagsubo ng pagkain. Nagsalubong ang mga kilay bago muling ngumiti.
"Oh, yes. Your soon-to-be fiancé. Ang lalaking namulatan ko kanina."
"That's him. Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nasa family mausuleo? At nilalagnat ka nang iuwi ni Lenny."
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Dana. Wala na ang bahay na nasa painting. Ginawa na iyong isang family mausuleo. Ni hindi niya namalayan kung paano siya nakatulog o nawalan kaya ng malay kagabi. At sa mismong tapat ng nitso ni Leon.
Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Kapagkuwa'y nag-angat ng ulo. "I wanted to surprise you by coming unannounced but I got lost. Anyway, narito na ako."
"Yes." Sinamahan iyon ni Cielo ng pinong ngiti. "I am so glad you're here now," sinserong sabi nito at kapagkuwa'y nag-angat ng mga mata sa pinsan. "What do you think of him?"
"Him who?"
"My soon-to-be fiancé, ano ka ba? Ano ang masasabi mo sa kanya?"
"Muy simpatico..." Nahinto siya sa bahaging iyon. She had heard it before. Kapagkuwa'y nagkibit ng mga balikat. "An inbred attitude of poise and arrogance. But of course, it usually emanates from someone born to wealth." Nagpahid siya ng napkin sa bibig at inabot ang tubig at uminom.
Kapagkuwa'y ibinalik ang tray sa night table.
Huminga nang malalim si Cielo. "He was reeking from it. And to top it all, he acts and talks as if he owns the world, Dana..."
"Naturally," matabang niyang sagot kasabay ng pag-angat ng kilay. "Some guys are rich, some are almost perfectly handsome, some have so much sex appeals. But this Lenny has got them all rolled into one. So what do you expect?"
Hindi agad sumagot si Cielo at nagyuko ng ulo.
Tinitigan ni Dana ang pinsan. When together, they never fail to catch the eye of every man. Men who lingered their eyes on them with wistful longing.
Cielo had the more fashionable beauty. She was almost five feet and eight inches tall, yet voluptuous. Kung sa paglalakad nga nilang magkasabay at may mangailangan ng modelo sa araw na iyon, tiyak na si Cielo ang pipiliin. And Dana envied her cousin's hair. Shimmery black and straight. It was cut short with bangs.
Si Dana sa kabilang banda, had a beauty that ignored the dictates of fashion. She was five feet and four inches tall. More or less, apat na pulgadang kababaan kaysa kay Cielo. She was slim and though with curves at the right places, she thought that Cielo's breasts were perfect.
Higit sa lahat, her coppered curls defied the most artfully applied pins. Bagaman ang mga mata niya'y lagi nang tumatawag ng pansin. Doe-eyed. Framed by dark and thick lashes.
"And I am gonna marry him..." ani Cielo na bumasag sa katahimikan.
Doon marahas na nag-angat ng ulo si Dana. "No, you can't! Paano si Charles?"Sandali lang ang lambong sa mga mata ni Cielo. "Hindi ko masusuway ang Mama. She phoned me twice. Itatakwil niya ako sa sandaling sumuway ako. Nalaman niyang sumunod sa atin si Charles and she was upset and angry with me. At kahit ang Papa'y nakiusap na sundin ko ang Mama, Dana."
Dana groaned.
Tumayo si Cielo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. "You must rest. Ngayon ka lang nawalan ng lagnat." Yumuko ito sa tabing-mesa at dinampot ang isang tableta at ang baso ng tubig.
"Here, take this..."
She obediently took the pill. Ang nasa isip ay si Lenny. Hindi ang uri nito ang papayag na sumunod na lang sa gusto ng mga magulang. He couldn't marry Cielo. He could not...
"I'll see you tomorrow, Dana," ani Cielo nang makitang naghihikab ang dalaga. At tahimik na lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...