43

16.2K 510 9
                                    


NAG-ANGAT ng paningin ang dalaga. Si Cielo na sumungaw mula sa may pinto ng silid niya.Nawala ang ngiti sa mga labi ni Cielo. Nagsasalubong ang mga kilay at tuluyang pumasok sa loob ng silid.

"Hindi kayang ipinta ng kahit na sinong mahusay na pintor ang mukha mo. What's wrong?"

"I just talked to Dad. He was so angry. H-he wanted me to fly back home right away. Hindi niya gusto ang pangyayaring officially engaged ako kay Lenny..." Napabuntong-hininga si Cielo at umupo sa gilid ng kama niya.

"Alam kong sa malaon at madali'y haharapin ko ang galit ng mga magulang ko, Dana," wika nito sa nagugulumihanang tono. "Lalo na ang Mama. But it has been done. And though I am so glad na nakawala ako sa usapan ng mga magulang ko at ng mga magulang ni Lenny, naguguluhan pa rin akong isiping inihayag ni Lenny na ikaw ang kanyang fiancée. Paanong nangyari iyon?"

"P-pinakiusapan ko siyang hayaan na kayo ni Charles. That it was Charles you love at napipilitan ka lang dahil sa udyok ng mga magulang mo." Sumandal siya sa headboard at niyakap ang isang unan. "Pumayag si Lenny, on condition na—"

"Ikaw ang pumalit sa akin bilang fiancée niya," dugtong ni Cielo na napailing. "I am so sorry, Dana, dahil sa akin ay nadawit ka sa suliraning ito..."

Hinarap ni Dana ang pinsan at hinawakan sa magkabilang kamay. "Huwag mo akong alalahanin, Cielo. Ang mahalaga'y malaya ka na mula sa manipulasyon ng Tita Elvira. Magiging maligaya ang buhay mo sa piling ni Charles, tulad din—" nina Eman at Consuelo, sana'y sasabihin niya. But she stopped on time. "Tulad ng siyang dapat mangyari."

"Pero bakit kailangang isakripisyo mo ang sarili mo?"

Dana smiled at her cousin. "Do you think having Lenny as a fiancé is a sacrifice? You've got to be kidding..."

Napaangat ang mga kilay ni Cielo. Bahagyang nanlaki ang mga mata. "Y-you're attracted to him!"

Nagkibit siya ng mga balikat kasabay ng buntong-hininga at alanganing ngiti.

"Sort of." She frowned at hinigpitan ang pagkakayakap sa unan. Naalala ang nangyari sa kanila sa guest room. "Oh, honestly, it's more than just a mere attraction. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya, Cielo. Words seem so inadequate to explain what I feel for him. Pero huwag mong isiping kaya kita tinulungang makawala sa usapan dahil sa pansarili kong damdamin," she added worriedly at tinitigan ang pinsan niya.

Ngumiti si Cielo. "Silly you. Bakit ko iisipin iyon? Besides, nakikita ko naman sa simula pa lamang nang idating ka ni Lenny dito'y may kakaiba na siyang atensiyon na ibinibigay sa iyo. At napuna ko rin kung paano ka niya tingnan kapag hindi ka nakatingin. Ganoon ka rin sa kanya. Sa maikling salita, my dear cousin, pareho kayong attracted sa isa't isa."

"Inaamin ko ang kakaibang damdaming pinupukaw ni Lenny sa akin. I've never felt like this before, Cielo... But he puzzles me. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya ang announcement na iyon..."

"I am positive that he was attracted to you, too. Ang inaalala ko lang ay kung seryoso si Lenny sa pag-aanunsiyong iyon ng engagement ninyo. It could mean nothing, you know. And I am worried about you, kung saka-sakali. Baka masaktan ka kung—"

"Huwag mo akong problemahin. I can handle my feelings for him," aniya at sandaling nag-isip pagkatapos. Kaya nga ba niyang hawakan ang sariling damdamin para sa binata?

She sighed at tinitigan ang pinsan. "Ikaw, ano ang plano ninyo ni Charles?" pag-iiba niya ng usapan.

"We want to leave the island soon, Dana." Nasa tinig nito ang pasasalamat sa pinsan. "Gusto ni Charles na lumayo na kaagad kami upang hindi maabot ng mga magulang ko. We can't be married hangga't wala ako sa hustong edad. And my mother was so set that I marry Lenny. At ngayong hindi nangyari ang gusto niya'y hindi natin parehong alam kung ano ang maaari niyang gawin..." Naroon ang pag-aalala sa tinig ni Cielo.

Napatango si Dana bilang pagsang-ayon. Cielo would be twenty in a couple of months just as she would be twenty one soon. Parehong menor-de-edad. At tama ang pinsan niya, kung babawiin ito ng mga magulang ay walang magagawa ang kahit na sino.Kung magkaganoon ay sayang lang ang mga pinaghirapan nila.

"Kakausapin ko si Lenny ngayon, Cielo. Sasabihin kong gusto na ninyong umalis. Sa makalawa'y babalik sa Maynila si Tito Bernard. Maaari kayong sumabay sa chopper."

"Kung wala ka'y hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin... sa amin ni Charles."She smiled. Ni hindi niya makuhang sabihin sa pinsan na hindi rin marahil ito mapapakasal kay Lenny. Inamin ng binatang wala itong pag-ibig kay Cielo. At nararamdaman niyang hindi ang uri ni Lenny ang napipilit ng kahit na sino sa bagay na hindi nito gusto.

Napahugot siya ng hininga sa kaisipang iyon. Kung hindi gusto ni Lenny si Cielo, then there could be no announcement on his engagement with her cousin!

At hindi kailangang halinhan niya si Cielo. But why did Lenny make the announcement? Ginamit ba siya ni Lenny para makaiwas sa engagement nila ni Cielo o paniniwalaan niya ang pinsan na attracted din sa kanya ang binata?

She sighed. "Bumalik ka na sa silid mo, Cielo. Hahanapin ko si Lenny at mag-uusap kami..."

"Thank you but couldn't we raid the kitchen first? It's almost two in the afternoon. What about a late lunch?" wika nito, sabay sulyap sa relo sa night table.

"Magbihis ka na at maunang kumain. Gusto kong makausap si Lenny kaagad."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon