25

14.2K 520 32
                                    


MAAGANG nagising si Lenny kinabukasan. Namamanaag pa lang ang araw sa likod ng mga bundok. Nagulat pa ang stable boy nang makita siya roon at ilabas si Fireball.

"Magandang umaga, Sir Lenny," bati nito.

"Buenos dias, Pedring," sagot niya. "I-saddle mo si Fireball."Agad na sumunod ang stable boy. Inilabas ang saddle ng magilas na stallion na nang lapitan ni Lenny ay agad na humalinghing.

"Easy boy," bulong ng binata at hinaplos ang ulo ng kabayo. "Miss me?"

Apat na araw na mula nang dumating siya sa isla kasama ang babaeng gusto ng amang kilalanin niya pero ngayon lang siya mangangabayo.

Nang malagyan ng saddle ay mabilis na sumampa ang binata at pinatakbo ang kabayo. Nakikita niya ang mga basang damo dahil sa ulan kagabi. Ulang madaling-araw na yatang huminto. And strange, mula nang dumating siya sa isla ay kagabi lang siya hindi makatulog. Kung hindi lang umuulan ay malamang na nangabayo siya at nagtungo sa batis sa loob ng gubat.

Tinalunton niya ang daan patungo sa tabing-dagat. Gusto niyang doon abutan ng paglitaw ng araw mula sa mga bundok. At ang pinakamalapit na daan patungo roon ay sa mausuleo.

"Hiyaa, Fireball!" Hinapit ng paa ang magilas na kabayo na tila ba tuwang-tuwang nasa likod nito ang amo.

Humahaplos sa mukha ni Lenny ang malamig na hangin. Inililipad niyon ang di-kahabaang buhok. And he felt exhilarated. Sa tuwing nasa isla silang magkakapatid at magpipinsan, horse racing ang paborito nilang libangan. Tatlong taon pa lamang siya'y mahusay na siyang mangabayo.

Silang magkakapatid ay halos sa likod na ng kabayo nagkaisip. Lalong higit si Jessica na kung biruin ng matatandang tauhan ay ipinanganak na may kasamang kabayo. Ang nakababatang kapatid lamang niya ang minsa'y tumalo sa kanya sa karera. While Julianne was too classy and snobbish at bagaman mahusay ring mangabayo ay bibihirang gustong magsuot ng pantalon at riding boots.

At sa sandaling mag-resign ang ama'y mabibilang na sa daliri ang ganitong malayang pakiramdam. Mauubos ang panahon niya sa kompanya. Sapat ang kaisipang iyon upang muling bumangon ang galit niya.

Galit sa ama at kay Leon. Lumaki siyang nagtatrabaho. Lahat sila. And he had nothing against it. Everybody had to earn their keeps. Subalit ang itali ang sarili sa isang kompanya dahil obligasyon nila ay ikinagagalit niya. May pakiramdam siyang kahit na patay na si Leon ay extension nito ang kompanya upang patuloy nitong manipulahin ang buhay nilang lahat.

"Damn you!" marahas niyang usal at pinatakbo pa nang matulin ang kabayo.

"I'll forgive you because you don't mean that... Alguna dia ay pasasalamatan mo ako, Leonard..."

"¡Nunca! And I'm passing by at your grave, Gran! Ya estas muerto, kaya huwag kang magsiksik sa isip ko!"

"Buhay ako hanggang buhay ka. Hanggang buhay ang magiging mga anak mo at ang magiging mga anak nila'y mananatili ako sa inyo..."

He uttered another curse. Nang mula sa mausuleo'y marinig niya ang halinghing ng kabayo. Kasabay niyon ay natanaw niya ang hayop sa may tabi ng bakod ng mausuleo.

"Ho, Fireball, hoo..!"

Lumigid siya at pinahinto ang stallion sa mismong tapat ng kabayo at nagsalubong ang mga kilay nang mapuna ang tatak nito sa likuran. Isa iyon sa mga kabayo ng hotel na ipinagagamit sa mga guest.

"Sino ang nagdala sa iyo rito at bakit itinali ka riyan? And how long have you been here?" galit niyang sabi.

Natitiyak niyang magdamag na nakatali roon ang kabayo at nabasa ng ulan. Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng hotel guests na lumampas sa boundary na ibinibigay ng hotel.

Nagpalinga-linga ang binata nang may mahagip ang mga mata sa loob mismo ng mausuleo.

"¡Dio!" usal niya at mabilis na bumaba ng kabayo at pumasok sa loob ng gate. Mula sa malayo'y natanaw niya ang nakalugmok na kung sino man sa baldosa.Paluhod na niyuko ng binata ang walang malay na si Dana. Basang-basa ito sa pagkakalugmok sa mismong tapat ng nitso ni Don Leon Fortalejo.

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga at itinihaya. Kinalong niya ito sa may binti niya at hinawi ang basang buhok mula sa mukha nito. Mainit ang balat nito. Inaapoy ng lagnat.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang sa tingin niya'y pamilyar ang mukha nito... na nakita na niya ang babae.

Yes. The lady at the airport—ang sininghalan niya.

Lumalim ang gatla sa noo niya. Paanong nakarating ang babaeng ito rito? Ilang sandaling tinitigan niya nang husto ang mukha ni Dana.

She was beautiful despite the circumstances. Her lips were slightly parted. Namumula iyon sanhi marahil ng matinding lagnat.

Binuhat niya ang dalaga at inilabas ng mausuleo. Ipinadapa sa kabayo at pagkatapos ay saka siya muling sumampa. Inayos si Dana at niyakap ng kanang kamay.

"Let's go back home, Fireball," utos niya sa kabayo na tila nakakaintindi at marahang umusad pabalik. 

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon