48

14.6K 483 39
                                    


"NAGKAKAMALAY na siya, Impong Sela," wika ng dalaga na hindi lumilingon sa kausap. Naramdaman niya ang pagpasok ng matandang babae sa silid. Ang mga mata niya'y titig na titig sa mukha ng lalaking nakahiga sa papag na kawayan. Banayad itong umuungol bagaman hindi pa nagmumulat ng mga mata.

Napahinga nang maluwag ang matandang babae. "Mabuti naman kung gayon, Esmeralda." Sandaling kumibot ang bibig nito na tila umuusal ng panalangin. Ibinaba sa mesitang kawayan sa tabi ng papag ang dala-dalang umuusok na sabaw na sana'y para sa dalaga. "Ipainom mo sa kanya ito sa sandaling tuluyan siyang magising."

Nauulinigan ni Leon ang mga tinig bagaman hindi niya mawawaan ang mga sinasabi. Sinisikap ng binatang imulat agad ang mga mata subalit tila kay bigat ng mga talukap niya. Agad niyang naramdaman ang pananakit ng ulo nang tangkain niyang ibiling iyon. At may kirot din siyang nararamdaman sa kanang balikat, sanhi upang hindi niya mapigilan ang mapaungol. Then he heard again that soft and soothing voice that spoke first awhile ago.

"Huwag mong piliting kumilos. Baka magdugo ang sugat mo sa ulo..."

Slowly and with so much effort, he tried to open his eyes. Unti-unting nagkakahugis ang anyong nasa harap niya. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay hindi makuhang bale-walain ni Leon ang magandang mukhang namulatan niya. A soft and musical voice and a lovely face.

"Sa... saan ako naroroon?" ang unang namutawi sa bibig niya. "Sino ka...?" dugtong niya kasabay ng pagtitig sa mga mata ng babae sa harap niya.

Brown eyes gazed back at him. Pagkuwa'y isang pinong ngiti ang lumitaw sa mga labi nito. He couldn't tell what made him gasp. Dahil ba sa patuloy na pagkirot ng ulo niya o dahil sa pinong ngiti mula sa babae. Anuman ang dahilan, hindi niya maitatangging ang magandang mukha'y 

tila lalo pang gumanda sa pagkakangiti.

"Doon sa unang tanong mo, nasa isang isla ka," sagot ng babae, sabay sulyap sa mainit na mangkok na nasa mesita. Inabot iyon. "At ako si Esmeralda. Ikaw, ano ang pangalan mo? Paano kang nagkaroon ng sugat sa ulo at sa balikat?"

Natilihan si Leon. May kung ilang sandaling may hinahagilap sa isip upang muling mapapikit nang maramdaman ang pananakit ng ulo.

"S-sumasakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Esmeralda. Ibinabang muli ang mainit na sabaw sa mesita. Tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng papag at humakbang palabas ng silid.

"Huwag... kang umalis!" pigil ni Leon. Pilit na kinakalma ang sarili.

"Hindi ako magtatagal," ani Esmeralda at lumabas na mula sa silid na tanging kurtina ang tumatabing.

He was staring blankly at the ceiling. Sa sala-salabat na tahilang kawayan. Pawid ang bubong. Sawali ang dingding ng buong silid na di-kalakihan. Tumatagos sa maninipis na siwang niyon ang sikat ng araw mula sa labas. Sa tagiliran niya'y isang di-kalakihang bintana na may kurtinang bulaklakin.

Ilang sandali pa'y naroon na muli si Esmeralda. May dalang isang basong tubig. Umupong muli sa gilid ng papag at may iniabot sa kanya.

"Inumin mo itong tableta. Pampapawi ng kirot."

Meekly, he obeyed her, dahil totoong makirot ang ulo niya. Bahagya siyang nag-angat ng ulo upang makainom.

"Salamat," halos bulong niyang sabi nang mainom ang maliit na tableta. Ibinalik kay Esmeralda ang baso ng tubig na halos maubos ang laman.

Tumayo si Esmeralda at tinulungan siyang makasandal sa ulunan ng papag. Pagkatapos ay muling kinuha sa mesita ang mainit na sabaw.

"Kailangan mong lagyan ng laman ang tiyan mo. Sa loob ng apat na araw na wala kang malay ay pilit naming kinukutsara ang sabaw sa bibig mo upang kahit paano'y may—"

"Apat na araw!"

"Apat na araw na wala kang malay," ulit ni Esmeralda. Kumutsara ng sabaw at akmang isusubo iyon sa lalaki. Subalit umiling si Leon at inabot mula sa kanya ang mangkok.

"Salamat. Ako na..." wika ng binata. Wala siyang ideya kung anong sabaw iyon. Subalit ang nalalanghap niyang amoy mula rito'y sapat na upang kumalam ang sikmura niya. Nagsimula siyang kutsarahin iyon at tahimik na isinusubo. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa dalagang tahimik na nakamasid at tila nasisiyahang makitang magana niyang inuubos ang sabaw.Wala nang laman ang mangkok nang ibaba niya sa mesita. Muli siyang nagpasalamat.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko," ani Esmeralda mayamaya. "Sino ka at paano kang napadpad sa isla?"

He stared blankly at the woman in front of him. Nagsimulang bumangon ang panic sa dibdib.

"W-wala... wala akong maalala! Kahit... kahit ang pangalan ko!" 

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon