AGG S2 Part 25

6.8K 323 70
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

Ai_Tenshi

June 29, 2020

"Ma, pauwi na po ako."

"O? Bakit naman anak? Akala ko ba ay tatagal pa kayo ni Johan ng 2 araw diyan sa beach?" ang tanong ni mama.

"Uuwi na ako dahil sinasaniban nanaman siya ng masamang espiritu ng kagaguhan. Hindi ko na kayang pakisamahan siya ng ilang araw pa dahil tiyak na masisiraan ako ng bait." ang sagot ko.

"Iiwan mo si Johan diyan? Ano ka ba naman anak, kaka engage niyo palang last month. Away nanaman ba iyan?"

"Basta uuwi na ako ma, mahabang kwento pero willing naman ako mag salaysay kahit abutin pa ako ng mag hapon."

"Paano yung plano niyong mag pakasal?"

"Kinalimutan ko na yung tungkol doon. Walang magaganap na kasal dahil..." hindi na ako nakatapos ng pag sasalita dahil inagaw ni Johan ang cellphone. "Walang magaganap na kasal dahil manloloko ka, kaya mag sama kayo ng lalaki mo. Kung gusto mo ay doon kana tumira sa opisina mo at sumubsob ka sa katawan niyang parang butiki buong mag hapon!"

"Wala akong lalaki, abnormal ka lang talaga. Iyan utak mo ay napunta sa bayag mo kaya ganyan ka mag isip. Iyan ang dulot ng labis na pag seselos mo! At ngayong sinaktan mo ako ng pisikal ay huwag kanang lalapit sa akin!"

Napaisip si Johan na para bang dina-digest ang aking mga sinabi. Maya maya ay tiningnan niya ang kanyang bayag na nasa loob ng kanyang boxer short. "Walang utak sa bayag ko! Anong klaseng pag iiisp iyan para sabihin na napupunta ang utak sa bayag? Kahit kailan hindi mag kakaroon ng utak ang bayag! Iyan ganyan nga Aldrin, gamitin mo yang pananakit ko para iwanan ako at para makasama kana sa lalaki mo na hanggang dito ay sinusundan ka dahil plano niyo ang lahat ng ito!" ang sagot nito.

"Walang may plano nito, sadyang sinira lang ng matinding selos at pag kapraning mo ang masayang araw natin. At hindi naman literal yung ibig kong sabihin tungkol sa bayag mo. Saka bakit ba ako nag papaliwanag sa iyo? Aalis na ko."

"Sige gawin mo kung anong gusto mo! Umalis ka dahil guilty ka. Tandaan mo Aldrin, ikaw ang nag kamali! Nag bigay ka ng motibo kaya ka sinusundan!"

"Wala akong paki sa mga sinasabi mo. Bakit hindi mo tanungin ang utak mo kung sino ang tunay na nagkamali? Ang pag seselos mo ang sisira sa ating relasyon. Dito ka nalang at huwag mo akong lalapitan. Wala ka pa ring karapatang saktan ako lalo't kung ang pag dududa mo lang naman at tamang hinala ang pag babasehan." ang wika ko sabay bukas ng pinto. Pinahiran ko ang luha sa aking mga mata.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon