PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gwapo
Season 2
AiTenshi
Part 36
"O bakit nandito ka pa Aldrin? Wala ka bang pasok?" tanong ni mama noong makitang nag lilinis ako ng kusina.
"Hindi ako pumasok ma, sinabi ko nalang na masakit ang ulo ko at kailangan kong mag pahinga." ang wika ko.
Umupo si mama sa harap ng mesa kaya naman nag salin ako ng mainit na tubig sa tasa para sa kanyang tsaa. "Kailangan ko lang mag pahinga ma."
"Stress ka ba hijo? Sa work ba?"
"Hindi ma, stress ako kay Johan. Masyadong seloso, masyadong big deal sa kanya ang oras ko. Gusto yata niya ay sa kanya lang ang 100% na atensiyon ko."
Natawa si mama. "Yan ang kadalasan problema ng ordinaryong mag asawa. Tingnan mo hindi pa kayo ikanakasal ay na s-stress kana agad. Marami pang mangyayari at marami pa kayong haharaping problema. Ang kailangan mong gawin ay pag aralang yakapin ang ugali niya at ikaw ang dapat mag adjust dahil ikaw ang higit na nakaka unawa. Parang sa mag asawang babae at lalaki, kadalasan ang asawang babae ang umuunawa sa asawang lalaki dahil mas puro at mas malalim ang pag tanaw niya sa mga bagay bagay. Sa tingin ko ay wala sa ugali ni Johan ang aadjust lalo't alam naman natin na buhay na nakasanayan nito. Matuwa ka nalang at mag pasalamat dahil may isang taong nag mamahal sa iyo ng lubos. Kapag ang dalawang tao ay itinali na sa isa't isa, kinakailangan ay pareho silang mag bigay ng malalim na pag unawa, tiwala at pag mamaahl sa bawat isa. Ang pag mamahal ay hindi pag angkin o pag hihigpit. Kailangan niyong matutunan na ang pag mamahal ay nangangahulugang pang tangga sa kakulangan ng isa't isa." ang paliwanag ni mama habang naka ngiti
Niyakap ko si mama "salamat sa suporta ma. Kayo nila papa, sobra sobrang suporta ang ibinibigay niyo sa amin."
"Dahil minsan lang tayo mabubuhay, ang kaligayahan ang pinaka mahalagang bagay sa mundo. Marami kaming natutunan noong mga oras na nawalan ka ng paningin. Napag tanto namin na dapat ay ibigay namin ang bagay na mag papasaya sa iyo para maranasan mo pa ang ganda ng kulay ng mundo. Buhat noon ay sinabi ko sa papa mo na dapat ay suportahan ka namin sa mga desisyon mo."
"Kaya labis ang pasasalamat namin ni Johan sa inyo. Napaka swerte namin dahil ang aming mga magulang ang pinaka mabait, pinaka understanding at pinaka masarap mag mahal sa lahat." tugon ko habang nakayakap pa rin kay mama.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...