PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 57
Parang isang milagro ang naganap sa buhay namin ni Johan. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay parang naglaho ang takot at pangamba na naming nararamdaman, tunay ngang mapag laro ang tadhana dahil bibigyan ka nito paikot ikot na sitwasyon, buhol buhol man na parang isang pisi ay maayos at maayos pa rin ito sa huli.
Tatlong araw ay nakalabas kami sa ospital, sumailalim pa si Johan sa examination upang makasigurado na wala siyang malubhang sakit. At laking tuwa naman ng aming mga magulang dahil siya ay ligtas na at clear sa lahat ng karamdaman. Isang araw bago ang aming discharge ay dumagsa ang mga kaibigan niya sa compound. Halos himatayin ang mga nurse sa pag dating ng mga gwapo at mukhang artistang mga lalaki sa loob ng ospital para dalawin si Johan. Syempre pag kakataon na rin iyon para mag kaayos sina Johan at Shan Dave. Napatuyan niya na tunay na kaibigan ito dahil sa pag mamahal at pag aalala sa kanya.
"Sure kaba na hindi kana namin sasamahan sa loob?" tanong ni Greg noong makatapat kami sa silid kung saan naka confine si Clifford.
"Hindi na, kaya ko na ito." ang wika ko sabay pasok sa loob.
Dito ay nakita ko ang kanyang ina at dalawang maliit na kapatid. Sila ay nakabantay kay Clifford at bakas na bakas sa mukha ng kanyang ina ang matinding sakit at problema. Ang kanyang dalawang kapatid na maliit ay nakasampa lang sa kama ng kanilang kuya at inaayos ang kumot at unan nito.
"Magandang umaga po." ang bati ko.
"Ikaw si Aldrin tama? Malaki ang pag kakasala sa iyo ng aking anak. Tatanggapin ko ang anumang kaparusahang ibibigay niyo sa kanya pero nakikiusap na kung maaari ay pagalingin niyo muna siya bago niyo siya kuhanin at ikulong. Paki usap ginoo. Ako bilang kanyang ina ay hindi makapaniwala na nagawa ito ni Clifford, siya ay isang matalino at mapag mahal na anak." ang umiiyak na wika nito.
May malay na si Clifford dahil medyo nakadilat na ang kanyang mata. "Napinsala ang kanang binti ng pasyente kaya hindi na siya makakalakad ng tuwid bagamat makakatayo naman siya at makakahakbang ng maayos. Naputol rin ang kanyang dalawang daliri sa kaliwang kamay dulot ng mag kakayupi ng sasakyan. Milagrong naka ligtas ang pasyente at ngayon medyo stable na ang kanyang lagay." ang wika ng doktor.
"Doc, maaari po bang iwanan niyo muna kami, may mga bagay lang akong sasabihin sa kanya." ang paki usap ko.
Tumango ang doktor at dito lumabas rin ng silid ng kanyang mga magulang at kapatid.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...