"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 41
"I told you, hindi mo deserve na controlin ka at hawakan ng tarantado mong boyfriend sa leeg. Ang pag mamahal ay hindi pag angkin ng tao at lalong hindi pag hihigpit para sa kanyang kalayaan. Dahil lahat ng sinasakal ay namamatay at hindi iyon maganda sa isang relasyon. Look, its been three weeks pero sinuyo ka ba ni Johan? Wala diba? Tapos ay may babae pa siyang sinasamahan ngayon." ang wika ni Clifford habang abala kami sa trabaho.
"Gawin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. Kung saan siya magiging masaya." sagot ko.
"Then, bakit hindi mo rin iapply sa sarili mo ang sinabi mo? Gawin mo ang gusto mong gawin. Kung saan ka magiging masaya." ang naka ngiting tugon ni Clifford.
"Ang kaligayahan ay hindi lang basta ang pag gawa ng bagay na gusto mong gawin. Ang tunay na kaligayahan ay ang pag gawa ng bagay na ikatatahimik ng puso mo at ikapapayapa ng isipan mo. Hindi nasusukat sa pag ngiti o pag tawa ang kasiyahan dahil marami nakatawa sa panlabas ngunit umiiyak naman sa loob." ang sagot ko naman habang natingin sa kanyang seryoso. "Sa tingin ko ay masaya na ako na matagpuan ang kapayaan sa aking sarili."
"Iyan ang mga bagay na pag kakahawig ninyo ni Gian. Sa tuwing nag sasalita ka at nakatingin sa aking mata ay siya ang nakikita ko. Parehong pareho kayo ng papanaw sa mga bagay bagay at iyong ang gustong gusto ko sa inyong dalawa." ang wika nito at maya maya ay parang inaiyak pa ito. "Sorry, sobrang namimiss ko lang talaga siya."
"Pasensiya na." ang tugon ko.
"Okay lang. Basta pag kailangan mo ng kausap ay tawagan mo lang ako. Gusto mo bang lumabas mamaya? Mag relax tayo, manood ng sine o kaya mag shopping. Ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Next time nalang Cliff, may lakad kasi ako mamaya."
"Okay lang, gusto mo ihatid kita?"
"Malapit lang dito iyon, kahit lakarin ko ay pwede naman." ang naka ngiti kong sagot.
"Sure ka ha? Ganyan ang mga mata ni Gian kapag nalulungkot siya at nasasaktan."
"Maraming bagay ang hindi kayang itago ng mata dahil ito ay bintana ng ating kaluluwa. At isa pa ay hindi ako magaling mag tago ng emosyon. Wala akong talento pag dating dito." ang tugon sabay bitiw ng hilaw na ngiti.