Ang Gwapong Gago
AiTenshi
Chapter 14
Alas kwatro ng umaga noong gising ako ni Rick para ayaing ma lakad sa tabing dagat. Maganda raw kasi ang tanawin doon kapag papasikat ang araw, tinatamad man akong bumangon dahil sa matinding lamig wala naman akong nagawa dahil sa kakulitan nito kaya agad akong bumalikwas ng bangon at nagsuot ng sweater.
Malamig at nagyeyelo ang hangin na sumalubong sa aming paglabas. Nangangatog ang aking mga paa habang tinatahak ang daan patungo sa tabing- dagat. Natatawa lamang ako dahil sa pagkakaiba namin ni Rick habang lumalakad. Ako ay naka halukipkip at yakap- yakap ang aking sarili dahil sa matinding lamig habang siya naman ay nagagawa pang tumakbo at mag tumbling sa buhanginan. Nakakatuwa siyang pagmasdan na tila laruang ‘di nauubusan ng baterya.
Ilang minutong lakaran ay narating namin ang tabing dagat, magkatabi kaming naupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang pagbubukang liwayway. Kulay asul ang kalangitan at kakulay ito ng dagat. Nakakamanghang pagmasdan ang liwanag na nagmumula sa dako pa roon. Habang na sa ganoong panonood kami naramdaman kong lumingkis ang kamay ni Rick sa aking likod. "Ang pagsikat ng araw at nangangahulugang pagsibol ng bagong umaga. At ang ibig sabihin nito ay may naghihintay na bagong pag- asa at panibagong kaligayahan para sa iyo. Pagmasdan mong mabuti kung paano pawiin ng hari araw ang kadiliman ng langit. Nakakamangha ‘di ba? Alam mo ba ang ibig sabihin nito?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at nagbitiw ng isang ngiti "Ano?"
"Ang ibig sabihin nito ay walang permanente sa mundo. Ang lahat ng kalungkutan ng tao ay lumilipas din. Katulad ng dilim, kapag sumikat ang araw ay tuluyan nang mabubura ito at muli na namang magbabalik pagsapit ng gabi. Ganyan ang buhay ng tao, pa ikot- ikot lang. Katulad ng pagkabigo mo sa pagmamahal. Sa ngayon ay malungkot ka pa at nasasaktan ngunit darating din ang panahon na mawawala iyan at kusang hahawiin ng panibagong pag- asa," ang paliwanag nito habang nakalagay ang kaniyang kamay sa aking tagiliran.
Noong mga oras na iyon, labis akong humanga kay Rick. Hindi ko akalain na napaka positibong tao pala niya. Sa likod ng pagiging makulit niya at mapang- asar ay nakahimlay ang isang taong punong- puno ng mga mapangaral na salita at dahil dito ay marami akong natutunan habang magkasama naming pinagmamasdan ang sikat ng araw mula sa kalangitan.
Sa paglipas ng mga oras, mas lalo pa kaming naging malapit ni Rick sa isa’t isa. Sumagi rin sa aking isipan na ibaling na lamang sa kaniya ang aking nasayang na pagmamahal kay Johan ngunit tila kinakalampag ako ng aking konsensya dahil ayoko siyang gamitin upang makalimot. Hindi magandang gawain ang gumamit ng ibang tao upang pinakip sa nasayang na pagmamahal mo. Kaya naman kahit ramdam kong nagkakapalagayan kami ng loob ni Rick ay hindi ko pa rin siya maaaring gamitin dahil aminado ako na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Johan at hindi nawawala iyon. Hindi ako martir o isang tanga upang mahalin pa rin ang taong wala na sa aking tabi ngunit ano nga bang magagawa ko kung iyon pa rin ang nararamdaman ko? Siguro ay hahayaan ko na lamang na ang oras ang siyang maghilom ng sakit sa aking dibdib.
Sa pagdaan ng mga araw, halos paubos na rin ang oras na aking bakasyon. Gustuhin ko man manatili pa ng mga ilang araw ay hindi na maaari dahil magpapasukan na naman at isa pa ay hinahanap na rin ako nila mama at papa. Halos hindi ko namalayan ang mga araw na dumaan dahil napaka bilis nito. Tama nga sila na bumibilis ang ikot ng oras kapag ikaw ay masaya at bumabagal naman ito kapag ikaw ay malungkot.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...