AGG S2 Part 37

3.4K 233 30
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

Part 37

"3 hours lang naman ang byahe patungo doon sa private resort. Pag dating niyo doon ay mayroon na kayong hotel na tutuluyan. Mag ingat kayo at huwag maliligo sa malalim, kapag may problema ay tumawag agad kayo." ang paalala ni mama habang kinakarga namin ang mga gamit sa sasakyan.

"Don't worry ma, mag iingat kami. I love you." ang wika ko sabay halik sa kanya.

"Mag ingat sa pag ddrive huwag masyadong mabilis." ang paalala pa niya.

"Opo ma, kung may problema rin dito ay tumawag kayo agad sa amin." paalala ko rin sabay sakay sa sasakyan.

Ngayon ang simula ng 5 araw na bakasyon namin ni Johan sa private resort na pag aari ng kaibigan nila ni papa. Habang abala sa pag ddrive ay sumisipol pa ito at sinasabayan ang tutog sa stereo. Ako naman ay nakatanaw lang sa labas habang hawak ang isang bag ng marshmallow na aking nginunguya, sinusubuan ko rin si Johan kaya napapahinto ito sa pag sipol. "Dyan mo ba pinag lilihi ang baby natin? Baka naman maging kasing lambot ng unan iyon?" tanong ni Johan.

"Wish ko lang may mabuo. Pero kung gusto mo talaga ng anak, pwede naman tayo mag undergo sa surrogation." ang wika ko.

"Gusto ko after ng kasal natin sa susunod buwan." ang wika niya.

"Ano? Sa susunod na buwan? Bakit ba rush na rush ka yata?"

"Basta, simpleng kasal lang gusto ko. Yung kaya lang ng budget nating dalawa."

"Iyan ang bagay na hindi papayagan ni mama at ng tatay mo. Tiyak na gera iyan kapag pinilit mo ang sa iyo Mr. Escaler. Saka bakit next month agad? Pwede namang sa December nalang o sa January next year."

"Babe, mainam na yung makapag simula tayo. Tingnan mo sina Raul at Greg halos 2 years na silang kasal at stable na ang pag sasama nilang dalawa. Gusto ganoon rin tayo ka successful sa kanilang dalawa."

"Kaya naman natin iyon. Basta mag pakatino ka lang. Huwag kana humanap ng isa pang Elise na bubulag sa ating dalawa." ang sagot ko.

Natawa siya "At ako pa talaga ang dapat mag pakatino? Ikaw nga itong may lalaki sa opisina. Anong pangalan ng gagong iyon? Clifford ba? Sabihin mo sa supot na iyan kapag hindi ka niya nilayuan ay babasagin ko ang mukha niya." ang inis na salita nito.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon