PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po".
Ang Gwapong Gago
AiTenshi
Fb: ai_tenshi@rocketmail.com
Chapter 7
Araw ng Biyernes, nakatanggap ako ng isang text message galing kay Johan. Susunduin daw niya ako mamayang alas 6 at sabay kaming maghahapunan kaya naman ibayong kilig at tuwa ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon. Ang pakiramdam ko tuloy ay para akong isang babaeng sinusundo ng kaniyang kasintahang lalaki kahit saan man ito mag tungo.
Ngunit maya- maya lamang, ang aking saya ay napalitan ng pagkainis noong mag anunsyo ang paaralan na hindi pa maaaring umuwi dahil darating ang isang espeyal na panauhin at iyon nga ang Bise Gobernador ng aming probinsya upang ihayag ang kaniyang gagawing pagbibigay ng donasyon sa aming campus kaya naman ang lahat ng mag- aaral ay tila nainis at pansamantalang binalot ng tensyon ang buong paligid. At dahil nga nag- aabang si Johan sa labas ng gate naisipan ko na lamang itong sunduin upang isama sa loob ng open ground. Bukas naman para sa mga outsider na supporter ni vice governor ang paaralan kaya't walang kahirap- hirap na naipasok ko ito sa loob ng campus. "Tol, bakit manonood ka pa ng walang kwentang palabas na iyan? Tumakas na tayo hanggang maraming tao," ang bulong nito sa akin habang hawak ang aking kamay.
"Ano ka ba tol? Hindi maaari dahil pagkatapos nito ay muli akong pipirma sa attendance sheet para mag log out dahil ang pagdalo dito ay katumbas ng isang buong quiz sa midterm," sagot ko naman at pinaupo ko ito sa aking tabi. "Sit!" ang wika ko at umupo naman ito sa aking tabi. "Ginawa mo pa akong aso," pagmamaktol niya.
"Huwag kang mainip. 30 minutos lang naman ang programang ito at pagkatapos ay maaari na tayong umalis," bulong ko sabay pisil sa kaniyang palad.
"Oh sige na. Basta kapag natapos ang 30 minutos na pagsasalita ng kupal na vice governor na iyan ay aalis na tayo. Ke tapos o hindi," pagmamaktol nito at halatang naiinis dahil na delay ng kaunti ang aming date.
Habang na sa ganoong pag- uusap kami, biglang tumugtog ang sounds sa paligid at nagpalakpakan ang mga tao hudyat na magsisimula na ang naturang programa. Ipinakilala ng aming dean ang mga galamay at tauhan ni Vice governor at sa pinaka huli ay ang pagsalubong sa aming panauhing pandangal.
Nabalot ng matinding palakpakan ang buong paligid galing sa mga plastik na mag- aaral na kanina pa gusting- gusto magsiuwi-an sa kani-kanilang tahanan. Samantalang si Johan naman ay nagsuot ng earphone at ipinikit ang mga mata senyales ng kawalan niya ng interes sa mga pangyayari sa kaniyang paligid.
Tumayo sa entablado ang aming panauhin at nagsimula itong magbigay ng pahayag. "Maraming salamat sa inyong pagdalo ngayong hapong ito. Isang malaking karangalan para sa akin ang tumayo dito sa inyong harapan upang magbigay ng magandang balita mula sa ating gobernador at iyon ay ang pagpapatayo ng karagdagang gymnasuim para sa inyong paaralan. Alam namin na malaking tulong ito lalo na sa mga mag- aaral na mahilig sa sports. Kaya naman nararapat lamang na tulungan natin silang palawakin ang angking kakayahan ng sa gayon ay dito sa ating lungsod magmula ang mga mahuhusay na manlalarong pambansa. At bukod pa roon ay hindi lingid sa aming kaalaman na ito ang pinakamalaking paaralan dito sa lungsod kaya naman dinarayo ito upang dito ganapin ang mga sports event at festival na pinangungunahan ng iba't ibang paaralan dito sa ating probinsya. At dahil dito malugod naming inaanunsyo na ang papatayo ng mga..." hindi nakatapos ng pagsasalita ng bise gobernador dahil isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong ground dahilan para bumagsak ito at mag magkagulo ang mga tao...

BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...