AGG S2 Part 27

4.6K 265 26
                                    

Peem as Johan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Peem as Johan

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

Ai_Tenshi

Part 27

"Eto yung venue, isang restaurant na mayroong maliit na space sa harap para pwede tayong tumayo doon kapag inimbitahan tayong mag salita. At pwede ring mag sayaw yung mga bisita. Hindi naman siguro natin pupunuin ito diba?" tanong ni Johan habang pareho kaming nag lalakad lakad sa loob ng venue.

"Sir, kung medyo naliliitan po kayo sa silid na ito ay mayroon pang mas malaki doon sa kabila. Dito po kasi ay nasa 150 na tao lang ang kayang iaccommodate. Doon sa kabilang silid ay kaya ang 400 persons." ang wika ng nag aassist sa amin na waiter.

"Hindi na, dito nalang kami. Dinner lang naman iyon kasama ng pamilya at malalapit na kaibigan. Hindi aabot ng 150 ang darating na bisita." ang sagot ko.

"Okay po sir, parating na po yung manager namin. Pwede na po kayong makipag usap sa kanya para mag pareserve." ang magiliw na sagot nito sabay abot sa amin ng dalawang basong iced tea.

"Next week, gusto ko isabay ito sa 3rd anniversary natin. Tapos after nito ng dalawa o tatlong buwan mag papakasal na tayong dalawa. Baka kasi sawa kana sa apeliyido mo kaya pwede mo nang gamitin ang sa akin." ang wika nito habang naka ngisi

"Sa susunod na Sabado ang enagagement natin, at tatlong buwan pag katapos nito ay pag papakasal na agad tayo? Hindi kaya masyado kang nag aapura?" tanong ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. "Alam mo baby, maiksi lang ang buhay natin. Hindi mo alam baka maya maya ay mangyari sa akin, o kaya ay baka bigla akong mamatay. Gusto ko maging masaya tayong dalawa. Gusto kong ieenjoy ang buhay ko na kasama kita, gusto kitang maging asawa, gusto kong ikaw ang mag mamasahe sa akin kapag dumating ako galing sa mga business engagement ko na pagod na pagod. Gusto kong ikaw ang mag mamasahe at mag papakalma kay junior kapag lumuluha siya at sobrang galit na galit, imamasahe mo rin yung paa at yung kamay ko kapag napapagod ito at nangangalay kakabilang pera. Gusto kong ikaw ang mag bigay ng kalinga sa akin.."

"Teka.. gusto ko lang iclear kung asawa ba talaga ang hanap mo o isang masahista. Gusto mo bang mag aral ako ng physical therapy para masuportahan ko ang nais mo?" ang tanong ko.

"Sira, basta excited lang ako na opisyal kang maging akin. Gusto kong ienjoy ang buhay na kasama ka." naka ngiti niyang sagot sabay halik sa aking kamay.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon