PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 46
"Maayos na po si Mr. Escaler, nandoon na siya sa second floor room 28." ang wika ng nurse noong makarating kami sa ospital.
"Ano nurse, malaki ba yung sugat niya? Nasalinan na ba siya ng dugo? Ginulpi ba siya?" ang sunod sunod tanong ni Dante na parang masisiraan ng bait sa pag aalala.
"Okay naman po siya sir, stable na po ang lagay ni Mr. Escaler. Kayo po ba ang tatay niya?" tanong ng nurse.
"Tatay talaga nurse? Gusto mo ihulog kita dito sa hagdan?" inis na tanong ni Dante.
"Ay wag po sir, virgin pa ko." ang pag sakay ng nurse.
"Echoserang to." ang sagot ni Dante.
Pag pasok namin sa silid ay nadatnan namin si Shan Dave na nakaupo sa sofa habang nag babalat ng mansanas, samantalang si Johan naman ay tulog at puro pasa pa sa mukha. Halatang binugbog ito at hindi na hinayaang maka bawi pa. "Pare ano bang nangyari bakit hinayaan mong mabugbog si Johan?" tanong ni Raul.
"Aba, wala kaming kinalaman dyan. Basta kanina ay umalis sa shop si Johan, may lakad daw siya kaya hindi na namin pinaki alaman. Tapos maya maya tumawag nalang at sinabing may tama siya. Sabi nung mga tao sa harap ng bar ay inabangan daw talaga siya ng kalive in partner ni Pretty at saka binugbog, sinaksak pa. Sinubukan nga nila Bogs hanapin yung tumira kay Johan pero tumakas na daw ang mga ito." ang paliwanag ni Shan.
"Doon sa tinitirhan ng lalaki? Nag punta ba kayo? Gusto mo sunugin natin yung bahay nila. Idamay na rin natin yung tirahan ni Pretty." ang bulong ni Raul
"Iyan nga ang gustong mangyari ni Bogs, gusto niya ipasunog yung buong boarding house ng kalive in partner ni Pretty pero sayang lang dahil umalis na rin ito doon. Siguro ay nalaman na nila na si Johan ay anak ni Gov. Escaler kaya natakot at nag sipag puslitan na." sagot nito.
Natahimik ako at lumapit kay Johan. Ilang linggo palang kaming hiwalay para na itong ermintanyo, makapal ng balbas at bigote, mahaba ang buhok at hindi na nag aayos ng sarili. "Mukha naman siyang okay." ang wika ni Greg.
"Sa palagay ko nga. Medyo namayat lang siya at parang mukhang haggard pero kasalanan naman niya iyan dahil hindi siya nag iingat. Dapat ay kinikilala niyang mabuti ang mga taong kinakabitan niya." ang wika naman.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...