Ang Gwapong Gago Part 21

13.4K 509 15
                                    

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Author’s note:  Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagbasa ng aking kwentong "Ang Hari Ng Angas".

THANK YOU Bentedos for the technical editing.

Chapter 21

Halos hindi ko maidilat ng maayos ang aking mata dahil sa matinding pag- ikot ng aking paningin.  Nasa tatlong minuto na ang nakakalipas magbuhat noong bumalik ang aking ulirat at pakiramdam ko ay paralisado pa rin ang aking ulo dahil sa lakas ng hampas dito. Nakikita ko rin ang pagtulo ng dugo mula aking sintido. "Hoy bakla gumising kaaa!!!" ang sigaw ni Elise habang nag d-drive ito. "Huwag kang magkakamaling gumawa ng masama dahil kayang- kaya kong pasabugin ng bongga ‘yang ulo mo!"

"Ano bang kailangan mo? Wala akong ginagawang masama sa iyo para gawin mo ito," ang sabi ko bagamat halos nanghihina pa rin ako.

"Anong wala?! Sinira mo ang lahat ng plano ko! Sinira mo ang buhay ko at hindi ako makakapayag na ang isang baklang kagaya mo lang ang makaka talo sa akin!!! Si Johan lamang ang pag- asa ko ngunit inagaw mo pa siya sa akin at alam mo ang pinaka masakit? Hindi ka babae dahil isa kang bakla at iyon ang hindi ko matanggap!!!" sigaw nito.

"All this time? Iyan pa rin ang iniisip mo? Hanggang ngayon ba ay nandiyan ka pa rin?! Naka move on ang lahat sana ay pinalaya mo na rin ang sarili mo mula sa sakit! Paano ka magiging masaya kung patuloy kang kumakapit sa nakaraan mo?!" sagot ko naman.

"Hindi ako makaka move- on hanggang nakikita ko kayong masaya! Mga bakla! Si Johan ay isa ring bakla at niloko niyo lamang ako! Dapat sa inyo ay sinusunog sa kumukulong langis!!!" muling hiyaw nito at ramdam na ramdam ko sa kaniya ang matinding galit sabay preno ng sasakyan at hinatak ang seatbelt sa aking upuan. Ito ang ginamit niya upang itali ng mahigpit ang aking katawan sa kina uupuang bangko para mahirapan akong makagalaw.

"Baliw ka Elise! Hindi kita maintindihan! Marami namang lalaki sa mundo ngunit bakit sisirain mo ang sarili mo sa isang tao lamang? Saka nasabi sa akin ni Johan na ikaw ay nagdadalang tao. Sana ay itigil mo na ito para sa iyong anak. Bigyan mo siya ng isang tahimik na buhay!!!"

"Wala na akong anak dahil nalaglag ito at kasalanan iyon ni Johan! Noong mga oras na nagtalo kami dahil nalaman niyang nagdadalang tao ako ay nagalit ito ng husto at bigla niya akong pinalayas sa kanilang tahanan. Iyak ako ng iyak noong mga oras na iyon at wala akong mapuntahan dahil itinakwil din ako ng aking pamilya. Magulong- magulo ang aking isipan habang tinatahak ang daan pauwi at hindi ko namamalayan na may parating na sasakyan at nabunggo nito ang aking katawan. Pagmulat ko mula sa ospital, sinabi sa akin ng doktor na wala na ang aking anak kaya naman ibayong sakit at pagkamuhi ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Sinumpa ko sa aking sarili na gagantihan ko kayo!!!"

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon