PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Gwapong Gago
AiTenshi
Fb: ai_tenshi@rocketmail.com
Chapter 5
"Tapatin mo nga ako tol, nagseselos ka ba?" ang seryosong tanong nito habang nakatitig sa aking mga mata.
Siyempre ay mariin kong itatanggi ito. Ano siya sinuswerte? "HINDI AHH! Bakit naman ako mag seselos?! Haha. Hindi ko akalain na Joker ka rin pala," pagbibiro ko bagamat alam ko naman talaga sa aking sarili na nagseselos ako.
"Iyon naman pala eh, edi walang problema. Tuloy ang ligaya!!! Sayang naman ang laki nito kung hindi ko gagamitin ‘di ba?" wika nito sabay turo sa gitna ng mga hita nIya. "Oh siya aalis na ako. Iiwan ko ng numero ko. Bahala ka na kung gusto mo akong itxt o hindi," dagdag niya sabay labas ng isang latest model ng cellphone. "Saan naman kaya niya ito inisnacth?!" bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang ginagawa nito.
Maya- maya ay muli itong kumilos at tinumbok ang pinto palabas ng aking silid. Hindi man lang ito nagpaalam o kaya ay nagsabi man lang na aalis siya. Iniwan lang niya ang kapirasong papel sa ibabaw ng aking kama kung saan nakalagay ang number niya. Siguro ay nainis ito dahil ayokong aminin ang aking totoong nararamdaman. Paano ko nga bang aaminin ito sa kaniya kung sa sarili ko mismo ay hindi ko maamin ang mga ito?
Habang na sa ganoong pag- iisip ako, muli na namang nangilid ang luha sa aking mga mata. Wala na akong nagawa kundi mahiga na lamang aking kama at doon ay damhin ang kakaibang kirot ng aking dibdib. Hindi ko tuloy naiwasang yakapin ang aking unan at kausapin ito. "Kung alam mo lang Johan, naiinis ako sa’yo dahil maloko ka at abnormal pa. Ngunit sa kabilang banda ay naiinis din ako sa aking sarili dahil kahit sira- ulo at gago ka ay hinahanap ka pa rin ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito nararamdaman ngunit sa palagay ko ay gusto kita. Nakahiya man ngunit ito ang totoo. Ayokong lokohin ang aking sarili sa mga bagay na aking nadarama dahil walang ibang makakaintindi nito kundi ako lang din. Wala akong paki- alam kung lalaki siya at lalaki rin ako. Ang mahalaga ay masaya ako kapag nandito siya sa aking tabi," ang pag- iyak ko habang nakayakap sa aking unan.
Na sa ganoong pag- iyak ako ng bigla kong maramdaman na may lumingkis na kamay sa aking likuran at walang anu- ano ay niyakap ako nito ng mahigpit dahilan para balutin ako ng matinding kaba. “Johan?” ang tanong ko habang pinapakiramdaman ang aking likuran kung saan siya nakayakap.
“Oo tol, ako ‘to… Hindi ako umalis…” ang bulong niya habang patuloy ang paglingkis ng yakap sa aking katawan.
Tila nakaramdaman ako ng matinding pagkahiya noong mga oras na iyon dahilan para mautal ako sa pagsasalita. “K-kanina ka pa ba diyan? Narinig mo ba ang sinabi ko?” ang nahihiya kong tanong.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...