Ang Gwapong Gago Part 2

26.3K 872 95
                                    

Ang Gwapong Gago

 

AiTenshi

 

Chapter 2

Noong magkamalay ako ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa loob ng ospital at doon ay nakita ko sina mama at papa na nakabantay sa akin. Halos hindi ko pa rin maidilat ng maigi ang aking mga mata dahil sa matinding pagkahilo. Umiikot pa din ang aking paningin at nanghihina ang aking kalamnan. "Mama, ano po ang nangyari?" tanong ko habang marahang iniikot ang aking mata.

"Nandito ka sa loob ng ospital anak. Nadamay ka sa pagsabog doon sa gasolinahan na nagpatumba ng mga ilang mga gusali sa bayan. Mabuti na lamang ay iniligtas ka noong lalaking nagpakilalang si "Johan" at siya na rin ang tumawag sa amin ng papa mo," paliwanag ni mama.

"Si Johan? Nasaan siya mama?"

"Umalis na siya kanina pa. Inaabutan ko ng pera pambili ng miryenda bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa iyo ngunit hindi naman nya ito kinuha," kwento naman ni papa.

"Sayang nga at umalis siya agad. Napakabait at magalang pa naman ang batang iyon. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang nagsasalita dahil nauutal pa ito sa sobrang kaba," sabi naman ni mama habang nakangiti.

"Kung ganoon ang snatcher pala na iyon ang tumulong sa akin. At marahil kundi niya ako hinitak papasok ng eskenita ay baka isa na ako sa natusta doon sa pagsabog. Mabuti na lamang dahil inilayo niya ako sa lugar na iyon kaya minor damage lamang ang nakuha ko," bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa kisame ng ospital.

Sadyang napakabilis ng pangyayari at hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa gagong iyon at I'm sure sa mga oras na ito ay iniisip na niya kung paano niya ako babawian. Maaaring gamitin niya ito sa panghuhuthot sa akin o kaya ay baka perahan niya sina mama at papa!! Arrgghhhhh!!! O baka naman planado niya ang lahat nang pangyayaring iyon dahil may lahi talaga siyang terorista kaya't alam niya na sasabog ang katabing gusali ng nasusunog na gasolinahan? Iyan na nga ba ang sinasabi ko ehhh!!! Pero sa kabila ng lahat ng iyon salamat na rin sa kanya dahil buhay pa ako hanggang ngayon. Basta huwag lang siyang magkakamaling perahan ang aking mga magulang dahil ako talaga ang makakalaban niya.

Makalipas ang isang linggo muling bumuti ang aking kalagayan kaya naman muli akong nakabalik sa paaralan. Pagpasok ko pa lamang sa gate ng campus ay tila nagkakagulo na ang mga mag- aaral. Mayroon daw kasing mga estudyanteng nagrarambulan kanina lamang at ang isang biktima ay nakabulagta pa rin hanggang ngayon sa lupa. Sabi nila ay umawat lamang daw ito ngunit nasapak ng malakas kaya heto siya ngayon tulog at walang malay. Mahirap talagang maging miyembro ng isang club na ang layunin ay panatilihin ang kaayusan at seguridad sa paaralan. Mabuti na lamang dahil nag quit na ako sa Peace Maker's Club kundi ay baka isa ako sa nakabulagta doon sa lupa.

Habang na sa ganoong paglalakad ako, muli na namang sumagi sa aking isipan ang mukha ni Johan.  Nakakaramdam pa rin ako ng pag guilty dahil hindi ko nagawang mag tiwala sa kanya at ang masaklap ay pinag- isipan ko pa siya ng masama. Ang hirap naman kasing magtiwala dito dahil tadtad ito ng criminal records sa prisinto. Ninais ko lang naman na protektahan ang aking sarili kaya hindi ako sumama sa kanya. Oo, inaamin ko na gwapo ito at mukhang hindi gagawa ng masama ngunit ang lahat ng iyon ay kabaligtaran naman pala dahil sa kanyang likod ay may nakatagong buntot at maliit na sungay sa kanyang mahabang buhok. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay alam ng Panginoon na gusting- gusto ko talaga siyang pasalamatan ngunit hindi ko alam kung paano at saan ko ito hahanapin. Sinubukan ko siyang i- search sa facebook o sa twitter ngunit wala talaga. Marahil ang kasagutan tungkol sa aking hinahanap ay matatapuan sa presinto kung saan hawak niya ang world record ng pinakamaraming krimen na nagawa sa loob ng isang buwan.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon