PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po”
Ang Gwapong Gago
AiTenshi
Chapter 17
Halos mag kabali-bali ang aking buto sa tuhod habang nagkakadarapa sa pagbaba ng tulay kasabay nito ang aking walang humpay na pagsigaw ng tulong at pakiramdam ko ay napatid na ang ugat sa aking leeg. Kumakabog ang aking dibdib sa kaba habang mabilis na tinatahak pasulong ang tubig sa ilog. Mabuti na lamang dahil may nakita akong mama na nakasakay sa balsa at iyong ang ginamit namin upang maisalba ang katawan ni Johan.
Pakiramdam ko tuloy ay lumabas na ang aking puso dahil sa matinding takot sa kalokohang ginawa nito. Hindi ko akalain na tatalon nga siya sa tubig kaya naman naguilty ako sa aking sinabi na "Kahit tumalon pa siya sa ilog ay walang mangyayari".
Hinatak namin ang walang malay na katawan nito sa batuhan upang doon ay bigyan ng paunang- lunas. Malayo- layo rin kasi ang nilakbay ng katawan nito habang inilulubog ng tubig kaya naman daig pa niya ang bangkang papel na kinain ng mabilis na daloy nito. "Johan! Gumising kaaa!" ang sigaw ko habang binibigyan ko ng hangin ang bibig nito.
"Gumising kaaaa! Johan!!" ito ang mga katagang paulit- ulit kong binibigkas habang pinipump ang dibdib nito kasabay ang pagbibigay ng mouth to mouth resuscitation. Ibayong kaba at takot ang lumukob sa aking pagkatao habang ginagawa ko ito. Nangangatog ang aking buong katawan dahil sa matinding pag- aalala sa kaniyang sinapit na pagkalunod. Pakiramdam ko tuloy ay napaka sama kong tao bagamat hindi naman ako ang nagtulak sa kaniya para tumalon. Iyon nga lang ay ako pa rin ang dahilan kaya nandito siya ngayon.
Ilang beses ko ring sinampal ito at paulit- ulit na binigyan ng hangin sa bibig hanggang sa tuluyan nang pumatak ang luha sa aking mga mata. Kaya naman umupo ako sa kaniyang tiyan at pinagigihan ang pagpiga ng kaniyang dibdib. Paulit- ulit lamang ang aking ginawa hanggang sa umubo ito kasabay ang paglabas ng tubig sa kaniyang bibig.
Muling bumalik ang ulirat ni Johan habang marahang idinidilat ang kaniyang mga mata. Wala na akong pakialam kung makita niya ang aking mukha habang umiiyak. Hindi ko na rin kasi naitago ang matinding emosyon na nararamdaman. "T-tol sorry," ang bulong nito habang nakaupo pa rin ako sa kaniyang tiyan.
Noong marinig ko ang mahinang boses nito ay kusang gumalaw ang aking kamay at ginawaran siya ng mag- asawang sampal. "Pak! Tarantado ka! Sira- ulo kaaaa! Tinakot mo ako! Paano kung may masamang nangyari sa’yo? Paano ko papatawarin ang sarili ko? Napaka sama mo! Gago kaaaa!" ang sigaw ko at tuluyan na akong humagulgol ng iyak sabay yakap sa kaniyang dibdib. Para akong isang batang inapi noong mga sandaling iyon.
Tahimik.
"Patawad tol, mahal kita.. .Please maniwala ka sakin..." ang bulong nito habang niyayapos ang aking likod.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...