"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 42
Tumingin sa akin si Johan at saka ito umarte na parang walang interest. Pumito pa ito at humilata sa sofa na kunwari ay bale wala lang na nakikita ako ng kanyang mga mata. Ako naman ay nag kunwaring abala na kunwari ay may kachat lang sa cellphone bagamat wala naman talaga.
Naging abala ako sa ganoong gawain habang si Johan ay walang pakialam. Paminsan minsan ay natatawa pa ako kunwari habang nag babasa ng mga mensahe. Enjoy na enjoy at walang paki alam sa kanya pero pinapakiramdaman ko siya at ang kanyang mga reaksyon.
Tahimik..
Natawa ako..
Napatingin siya sa akin.
Maya maya ay bigla niyang hinablot ang aking cellphone at binalibag ito sa sahig. Napatingin ako kay Dante at noon napa ngiwi nalang. "Nasaan na ba yung mag ccounsel ng wasak naming relasyon na parang wala nang pag asang maisalba dahil sa kakatihan nitong katabi ko?" tanong ni Johan sabay irap sa akin
"Sandali lang ha, tatawagin ko lang siya." ang wika ni Dante sabay labas sa sala.
Naiwan kami ni Johan sa loob..
Wala kaming kibuan..
"Kamusta naman kayo ng lalaki mo?" tanong nito.
"Wala akong lalaki. Kung mayroon makati sa atin ay ikaw iyon dahil wala pa tayong isang buwang mag kahiway e pumatol kana sa iba. Huwag kang mag expect na patatawarin kita."
"Wow, at huwag ka ring mag expect na hihingi ako ng tawad. Mas gugustuhin ko pang ipako sa krus, idisplay sa plaza at sunugin ng buhay kaysa mag pakababa sa harap mo." ang sagot niya.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay pumasok ulit si Dante sa sala, this time ay iba ang suot na damit nito. Naka corporate attire na siya, may salamin sa mata at may hawak na libro. "Good morning Mr. Jimenez and Mr. Escaler." ang pormal na bati nito.
"O, nasaan na yung counselor? Para matapos na itong kalokohang ito." ang hirit ni Johan.
Ngumiti si Dante. "Ako nga yung counselor niyo ngayong araw. Kung hindi niyo naitatanong ay accredited ako ng COP o yung Counselling Office of the Philippines." ang wika nito sabay pakita ng certification.