PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po”.
Ang Gwapong Gago
AiTenshi
fb ai_tenshi@rocketmail.com
Chapter 11
"Maaari ba tayong mag usap ‘tol?" bungad na tanong ni Johan habang lumalapit sa aking harapan. "Ano naman ang pag- uusapan natin? ‘Yong kasal mo?" sarcastic kong tanong.
"‘Tol please, hayaan mo muna akong magpaliwanag. Ang hinihiling ko lang ay pakinggan mo ako".
"‘Yon lang pala eh! Sige go ahead!" ang tugon ko at muli akong naupo sa duyan habang nakaharap sa kaniya.
Bago tuluyang magsalita ay nagbitiw muna ito ng isang malalim na buntong hininga. "Tatlong taon na kaming magkasintahan ni Elise. Schoolmate ko siya doon sa university na pinapasukan ko noong nag- aaral ako ng kolehiyo. At dahil nga nagloko ako ng todo ay pinahinto ako ni papa ng pag- aaral sapagkat sayang lamang daw ang binabayarang matrikula dahil puro bagsak na grado ang kadalasan kong inuuwi. Iyon ang dahilan kaya’t nagkahiwalay kami ni Elise. Umuwi ako dito sa probinsya at nawalan kami ng komunikasyon hanggang sa inakala ko ay tapos na ang lahat sa amin. Ilang buwan na rin ang lumipas at tuluyan ko na rin siyang nakalimutan kaya hindi ko rin inaasahan na susundan nya ako dito".
"Ahhh… ‘ayon naman pala. Sinundan ka niya dito edi happy together na kayo! Congrats Escaler!" ang tugon ko sabay balikwas ng tayo. "‘Wag na tayo magkita pa. Sana ay ito na ang huling beses na makikita ko ang mukha mo".
"Teka tol, bakit ka ba nag kakaganyan eh wala naman tayong relasyon?! Sinabihan ba kita ng "I Love You?! Ha?!" ang sigaw nito habang hinahabol ako sa paglalakad.
Tila sinapak ako ng isang daang beses sa mga salitang kanyang binitiwan. Iyon na yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya. "Hahaha… oo nga pala Johan, WALA TAYONG RELASYON. So anong tawag mo sa ginagawa natin?!"
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Nag enjoy naman tayo, hindi ba? Naging masaya ka naman sa akin, ‘di ba? kaya bakit kung umasta ka ay parang kasintahan kita?"
Muli na namang nadurog ang aking puso sa kaniyang sinabi. Kung sabagay una pa lang naman ay hindi ko na alam kung anong tawag sa mga bagay na ginagawa namin. "Para saan ‘yong mga halikan, yakapan at pagtatalik natin? Lahat ng iyon ay dala lamang ng matinding pagnanasa? Para saan ‘yong mga masasayang araw na pinagsamahan natin? Naglibang ka lang ba doon?! Saan ba ako lulugar sa buhay mo? Putangna naman!!" hindi ko na napigil ang aking pag- iyak.
"Kasalanan ko ito ‘tol. Hindi ko nilinaw kung ano ba tayo. Patawad kung nasasaktan kita ngayon ngunit maaari naman nating ituloy ang bagay na nasimulan natin. Ayusin natin ito please. Mahalaga ka sa akin," sabi nito habang bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagsisisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/30768018-288-k994616.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...