Ang Gwapong Gago Part 22

13.6K 536 34
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 22

Noong bumalik ang aking malay ay halos mapasigaw ako sa matinding sakit ng aking katawan. Matindi ang pagkirot ng aking likod at pati ang aking mga binti ay tila mapuputol dahil sa matinding sakit. Ngunit laking pagtataka ko kung bakit boses lamang nila ang aking naririnig? Puti lamang ang paligid at wala akong matanaw na kahit anong imahe mula dito? "Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?!" sigaw ko sa aking sarili.

"Tol, huminahon ka please!" boses ni Johan.

"Anak, huwag kang gumalaw makakasama sa iyo iyan!" boses ni papa habang pinipigil ako.

"Bakit? Bakit boses lang ang naririnig ko? BAKIT WALA AKONG MAKITA?! Bakit wala akoong makitaaa papa!!!" ang sigaw ko at halos magwala ako sa matinding takot.

"Tol, huminahon ka please," ang boses ni Johan sabay yakap ng mahigpit sa akin.

"Anak, isang malalang aksidente ang nangyari at milagrong buhay ka pa. Bumagsak sa iyong sinasakyan ang buong gusali at halos isang buong araw kang na sa loob ng gumuhong pader kasama ng inyong yupi- yuping sinasakyan. Ang sabi ng doctor ay isang malaking biyaya ng Panginoon ang muli pang pagpintig ng iyong pulso ngunit kapalit nito ay nawalan ka ng kakayahang makakita dahil sa mga bubog at maliliit na piraso ng salamin na tumama sa iyong mga mata," paliwanag ni papa kaya naman halos magwala ako at magsisigaw sa loob ng silid kung saan man ako naroon.

"BULAG NA ‘KO?! bulag akooo! Bakit!!!" ang sigaw ko at halos sumabog ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit na nadarama.

"Tol, tama na please. Nandito lamang ako at hindi kita iiwan. Huwag ka nang umiyak, paki- usap," sabi ni Johan at naramdaman kong nag crack na ang boses nito.

"Paano na ‘ko ngayon? Hindi ko kaya! Sana ay namatay na lang ako!!!"

Halos maghapon akong nagwawala at umiiyak dahil sa matinding sakit dulot ng aking pagkabulag. Tila ayaw itong tanggapin ng aking puso at isipan. Natural lamang iyon, ikaw ba naman mawalan ng kakayahang makakita? Para kang isang ibon na inalisan ng dalawang pakpak. Sa bawat oras na dumaraan ay mas lalo pang nagiging masakit sa akin ang lahat. May mga pagkakataon pa nga na makakatulog ako at paggising ko ay magpapalahaw na naman ako dahil sa matinding pag hihinagpis sapagkat katulad ng dati ay blangko pa rin ang aking paningin. Kasabay nito ang matinding dipresyon kaya’t palagi akong walang lakas at walang ganang kumain.

Labis na pag- aalala ng naramdaman nila mama at papa. Pati na rin si Johan habang binabantayan ako ng mga ito. Pilit din nila akong nililibang upang kahit papaano ay mabawasan ang aking sakit na nararamdaman. Ito na yata ‘yung ibig ipahiwatig ni Madam Z sa kaniyang mga hula.

"Ipinahihiwatig ng ikalawang baraha na may isang hindi inaasahang pangyayari ang babago sa takbo ng iyong buhay. May mahalagang bagay na mawawala sa iyo at iyon ang magiging sanhi ng iyong kalungkutan. Ang pangyayari ito ang susubok sa lakas ng loob mo at tibay nag iyong damdamin. Hindi ko makita kung ano ang mahalagang bagay na iyon ngunit ito ang magbibigay ng ibayong pasakit sa iyo.”

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon