PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
Ai_Tenshi
July 2, 2020
Part 28
Araw ng Martes, habang abala ako sa pag aayos ng aking gamit sa aking desk ay katakot takot na mensahe sa messenger ang narerecieve ko muna kay Johan. Puro kapilyuhan ang ginagawa dahil na papadala pa ito ng nude photo niya habang naliligo sa banyo, may pag kakataon pa jinajakol ang kanyang ari habang umuungol at tinatawag ang aking pangalan. Tawa naman ako ng tawa at gigil na gigil ako sa kanyang nakaka demonyong kagwapuhan. Agad ko ring binubura ang mga pinadala niya dahil baka may maka kita pa. "Good morning Mr. Jimenez. Nagustuhan ng Yingyang Group ang ginawa mong web layout para sa kanila. Simple but very striking ang datingan. Good job." ang wika niya habang naka ngiti.
Habang nasa ganoong pag bati ito ay pumasok naman ang isang lalaki sa aming opisina. Naka suot ng fitted na long sleeves at sukbit na laptop sa balikat. "Guys, I would like you meet Mr. Clifford Marzan. Sya ay 29 year old at isang software developer, database administrator at web developer na naka base dati sa Dubai. Nandito siya para itrain ang mga bagong hired sa team since naka leave si Ms. Kate, sya muna ang mag tatake ng job order."
"Hi, kamusta kayo, isang karangalan ang mapabilang sa team ng SoftCloud since tito ang may ari ng company, gusto kong ishare ang mga kaalamang natutunan sa ibang bansa sa loob ng 9 year. Nice to meet you all." ang naka ngiting bati ni Clifford. At isa isa itong lumapit sa amin para kumamay "Ako yung nag approved ng web design mo sa Yingyang. Nice to finally meet you Mr. Jimenez." ang wika nito noong makalapit sa akin. Ngumiti naman ako at kinamayan rin siya. "Thank you. Alam kong inayos mo yung mga details na di masyadong pulido. Noong nakita ko siya kanina ay mas naging maganda ito sa mata."
"Small details lang naman iyon. Maliit na bagay, mahusay ka pa rin." ang sagot niya habang naka ngiti.
"Marami pa akong dapat matutunan, mayroong mga bagay na natututunan dito na hindi naituturo sa paaralan. Looking forward ako sa mga techniques na maisshare mo sa amin." sagot ko rin habang naka ngiti.
"Looking forward din ako sa mga bagay na maaari kong matutunan sa inyo." tugon niya sabay upo sa aking tabi.
Magiliw at matalinong kausap si Clifford, palangiti ito kaya ang lahat sa opisina ay madali niyang naka sundo. May ilang empleyado pa na nag karoon ng crush sa kanya dahil matangkad ito, maputi, chinito at mapula ang mga labi. Naka suot lamang siya ng salamin dahil may pag kakataon raw na sumasakit ang kanyang mata sa mag hapong pag tapat sa harap ng computer. Unang araw palang ay nag pakitang gilas na ito sa pag train at pag supervise ng mga baguhang kakapasok pa lamang. Ang kanyang pag sasalita ay malumanay, may lambing at malinaw kaya't agad na nauunawaan.
"Masyado ba akong feeling close sa iyo Aldrin?" tanong ni Clifford habang palabas kami ng gusali. Alas 6 ng hapon noong matapos ang office hours.
"Okay lang naman, sadyang friendly ka lang at madaling nakapag aadjust sa mga taong kausap. Flexible at madaling pakisamahan ang term na naisip ko para idescribe ka." ang tugon ko habang naka ngiti
"Pero alam mo, kilala na kita e."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi nag background check ako sa mga empleyado ng Softcloud. And i heard na galing ka sa isang magandang pamilya which is nag rereflect naman talaga sa pag katao mo." wika niya sabay bukas sa kanyang sasakyan. "Hatid na kita?" alok pa niya.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...