"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 44
Araw ng Linggo, habang abala ako sa pag gawa ng layout sa aking working table ay biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at dito ay pumasok si Johan. Binuksan niya yung aming cabinet para kunin ang kanyang mga gamit. "Nasaan yung mga sapatos ko? Yung mga shorts ko? Lahat yung branded, pati yung mag brief kong inaamoy mo kapag nag aadik adik ka." tanong nito
"Nandyan sa kahon sa KALIWA, lahat ng gamit mo ay nasa kaliwa!" ang sagot ko sabay play sa aking mp3.
To the left, to the left Everything you own in the box to the left In the closet, that's my stuff Yes, if I bought it, please don't touch (Don't touch) And keep talking that mess that's fine But could you walk and talk at the same time And, it's my name that's on that jag So remove your bags, let me call you a cab
Standing in the front yard Tellin' me, how I'm such a fool Talkin' 'bout, how I'll never ever find a man like you You got me twisted
"Mabuti naman at inayos mo na para di na ako mag tagal sa impyernong silid mo." ang wika niya.
"Okay." ang sagot ko naman habang naka tayo sa pintuan at hinhintay siyang lumabas.
Sa pag lipas ng mga araw ay mas lalo pang lumala ang sitwasyon namin ni Johan hanggang sa nauwi na nga ito sa opisyal na hiwalayan. Marami siyang issue sa buhay katulad nalang ng malalang pag seselos niya kay Clifford at sa aking trabaho. Ang gusto niya kasi ay nasa bahay lang ako at sa kanyang lang umiikot ang aking mundo. Hindi ko rin naman matake na nakikita siyang nakikipag landian sa kanyang babae na halos gabi gabi sila sa bar. Laging sabog at parang naka tira pareho ng katol.
Nag simula ito sa simpleng selos, hanggang sa nag kalabuan at ang aming desisyon ay ikinabigla ng aming mga magulang. Sa parte ko ay si Johan ang may kasalanan. Pero siyempre sa parte niya ay ako nag lumalabas na napaka sama bagamat siya ang unang lumandi at nag dimikit sa ibang tao.
Nag patuloy sa pag hakot si Johan sa kanyang mga gamit hanggang sa mahawakan niya ang pang huling kahon. "Ito na ang huling pag kikita natin. Mag sawa ka sa pag lalandi sa lalaki mo dahil malaya kana."
"Ikaw rin. Ang mga katulad mong mayabang, gago, praning, may sira sa ulo, madalang maligo, dugyot sa loob ng CR at walang direksyon sa buhay kundi purong kalokohan ay hindi ko deserve." ang wika ko.