AGG S2 Part 55

3.5K 231 23
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

Part 55

"Sa buong buhay ni Elise, siya ang hinahabol at pinapantasya ng mga lalaki. Noong mag kagusto siya kay Johan ay labis akong nasaktan pero itinago ko iyon dahil ang pag mamahal ko sa kanya ay palihim lamang. At wala akong magawa kundi ang panoorin sila sa malayo. Ang akala ni Elise ay isang magandang fairytale na ang kinalalagyan niya bisig ni Johan pero mali pala iyon dahil isang bangungot sa kanya ang ipag palit siya sa ibang tao at ang masakit pa nito ay sa lalaki siya natalo. Kahit anong pag iisip ang gawin niya ay hindi niya mafigure out kung bakit pinag palit siya nito sa isang bakla. Dahil doon ay nagkaroon siya ng malalang dipresyon, nawalan siya ng gana sa buhay dahil naiisip niya na siya ay hindi sapat para sa taong kanyang minamahal.

Ibinaling sa akin ni Elise ang kanyang pag mamahal. Ginawa ko ang lahat para makalimutan niya si Johan. Pero mas lalo lamang siyang nalungkot at ang malalim na kalungkutang iyon ay naging pait at nag resulta sa labis na galit. Iyon ang nag tulak ka Elise para siya ay gumanti. Pero pinatulan niyo siya at napatay! Ang kawawang si Elise, ang taong minahal ko ng buong buhay ay tuluyang nawala." ang pag babalik tanaw ni Clifford habang umiinom ng alak.

"Tuluyang nawala na napunta sa impiyerno. At ngayon ay hinihintay ka na rin niya doon dahil pareho kriminal at manloloko ng kapwa. Ang lakas ng loob mo para gamitin ang bangkay taong nanahimik na para lang kabaliwan mo. Pati ang ibang tao ay dinadamay mo pa sa kautuan mo!"

Natawa siya. "Paniwalang paniwala ka ba kay Gian? Tama ka doon, ang may ari ng larawan iyon ay si Billy na kasamahan ko dati tirahan sa Dubai, doon ko kinuha ang kanyang larawan at ginamit itong bilang si Gian. Hindi ko naman ineexpect na uuwi ang gago dito at ang pinaka worst senaryo nag kita kayo kahit na malaki na ang itinaba at itinand ang kanyang itsura. Doon ko napatunayan na hindi ka pala tanga Aldrin. May utak utak ka rin pala."

"Oo naniwala ako sa kwento ni Gian ang galing mo kasi umarte. Hindi nakapag tataka na magagawa mo ang mga bagay na ito dahil isa kang manloloko. Bakit kailangan mo pang mag higanti? Sana ay ginugol mo nalang ang buhay mo sa tahimik at mapayapang paraan."

"Dahil hindi ako matatahimik, kapag naalala ko ang sakit ay mawawala ako sa aking sarili. Nakakabuang ang pag nanais kong makaganti. Nandito na ko kaya wala na itong atrasan pa!" ang sigaw niya at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pintuan ng lumang silid. Nagiba pa ito na parang tinadyakan ng malakas. Dito ay pumasok si Johan na bakas ang galit sa mukha.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon