AGG S2 Part 31

3.7K 239 17
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

Ai_Tenshi

Part 31

"Congratulations on your engagement." ang bati ni Clifford noong makapasok ako sa aming opisina.

Ngumiti ako. "Salamat. Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Nakita ko lang kanina sa boss natin habang nag aayos siya ng file sa laptop. Sorry, hindi ko dapat nilakas ang bati ko, alam kong private iyon." ang dagdag pa niya.

"Ayos lang, hindi ko na nagawang mag imbita dahil gusto ni Johan ay pribado lang. Kaya yung dalawang boss lang natin ang nasabihan ko."

"That's okay, pwede naman tayong mag celebrate sa ibang pag kakataon. Kayo rin pala ni Johan ang mag kakatuluyan."

"Kilala mo si Johan?" tanong ko.

"Oo naman, ang kaisa isang anak ni Gov. Escaler na pasaway daw, laging sangkot sa gusot at nakatira doon sa compound ng mga siga. Teka, bakit sa kanya? I mean, ang dami namang matinong lalaki sa paligid ah. Huwag ka sanang magalit sa sinabi ko."

"Maraming espesyal kay Johan na hindi nakikita ng ibang tao. Kapag nakilala mo siya ng mas malalim ay malalaman mong higit pa siya sa nakikita ng iyong mata." ang sagot ko.

"Kung sa bagay, love is blind sabi nga nila." biro niya.

Natawa ako. "Believe me, minsan na akong nabulag. Nakakatakot siya pero hindi ganoon kasama lalo na kapag alam mong maraming naka alalay sa iyo." ang biro ko rin

"I know." ang sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin Mr. Marzan?"

"Alam kong nabulag ka at nandoon ako. Mahabang kwento pero alam mo kilala na kita noon pa. Siguro pag usapan natin ito mamaya. Coffee 3pm? Okay lang ba? Hindi naman siguro magagalit ang fiance mo."

Natawa ako. "Huwag mo akong takutin na para kang pambasang stalker. Sure 3pm, gusto kong marinig kung paano mo nasabi ang mga bagay na ito." ang sagot ko naman.

Ngumiti siya tinapik ang aking balikat. "See you later Mr. Jimenez." tugon niya sabay sukbit ng laptop at pumasok ito sa opisina ng aming boss.

Noong mga oras na iyon ay tila naging isang malaking palaisipan ang sinabi ni Clifford sa akin. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa trabaho at wala akong ginawa kundi ang lumingon sa orasan at hintayin ang alas 3 upang malaman ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanya mga pahayag.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon