Ang Gwapong Gago Part 24

21.2K 767 115
                                    

PAUNAWA:


"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Gwapong Gago

AiTenshi



Author's note:  Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagbabasa ng aking mga likha. Hay! eto na pala ang final chapter ng kwento ni Aldrin at Johan. Sana ay magsilbi silang inspirasyon sa inyo at katulad nga ng lagi kong sinasabi "Ang pag-ibig ay na sa paligid ko niyo lamang". Maaaring nasa Ferris wheel ito kaya sakay na!! hehe.

Mamiss ko sila Johan at Aldrin.

FULL CREDITS TO THE FF.

Thinking Out Loud by Ed Sheeran

All of the Stars by Ed Sheeran

How Did I Fall Inlove with you by BackStreetBoys

Bentedos for the techinical editing.

Chapter 24 FINALE

Malaki ang pasasalamat ko sa aking pamilya dahil sa kanilang walang sawang pagsuporta sa akin. At lalong- lalo na kay Johan na siyang tumayong mga mata ko noong mga panahong hindi ako makakita. Sinubok man ng kaliwa't- kanang problema ang aming relasyon, sa bandang huli ay nanatili pa rin kaming matatag at lumalaban sa hamon ng buhay. Bukod pa roon ay tinuturing kong isang malaking biyaya ang pagkakaroon ko ng bagong mga mata. Ngayon ay mas naging maingat ako sa aking mga kilos dahil natatakot na akong maulit ang mga bagay na aking pinag daanan. "Ang totoo noon, ang ama ni Johan ang nakahanap ng donor para sa iyong mga mata. Noong mga oras na nakaratay ka sa ospital, agad na ipinaalam sa amin ng doctor ang pinsalang sinapit ng iyong mga mata kaya naman agad na lumakad ang papa mo at ang ama ni Johan upang humanap ng donor. Nakalipas ang ilang araw ngunit tila nahirapan sila sa paghahanap kaya naman napilitang umalis si Johan upang ipalista ang kaniyang pangalan para maging iyong donor. Halos mabigla kaming lahat sa kaniyang desisyon. Pinagalitan namin ito at pinagsabihan na huwag niyang ituloy dahil may ibang paraan pa. Natatandaan ko pa ang mga eksaktong salitang binitiwan ng batang iyon sa aming harapan.


"Kung wala kayong makikitang donor para kay Aldrin, ako ang magbibigay ng mata sa kanya. Wala akong pakialam kahit mabulag pa ako basta maging masaya lamang siya. Lahat ng kabutihan sa mundo ay ibinigay niya sa akin kaya naman nagawa kong magbago at maging responsableng tao sa lahat ng pagkakataon. Mahalaga siya higit pa sa kanino man kaya naka handa akong isakripisyo ang lahat para sa kanya dahil MAHAL KO SIYA! MAHAL KO PO SI ALDRIN! At hinding- hindi ko siya pababayaan. Oo, pareho kami ng kasarian ngunit wala akong pakialam doon. Masaya ako kapag kasama ko siya at gagawa ako ng paraan upang payagan niyo akong pakasalan siya at makasama habang buhay!"

Halos mabigla kami sa sinabing iyon ni Johan. Hindi nakakibo ang papa mo at ang kanyang ama. At noong mga oras na iyon ay humanga ako sa lakas at tapang niya upang aminin sa amin ang totoo.  At ngayong maayos kana, nais kong sabihin na sinusuporta ko ang inyong relasyon ni Johan. Anak na rin ang turing ko sa kanya at mas lalo pa akong humanga noong hindi ka niya iniwan sa mga oras na kailangan mo siya. Mahal na mahal ko kayo anak," pagsasalaysay ni mama tungkol sa mga naganap noong mga panahong wala ako.

Labis ako natuwa sa mga sinabi ni mama kaya naman naiyak ako sa kaligayahan habang nakayakap sa kanya. At siyempre ay nagpasalamat din ako kay papa dahil sa kaniyang pagiging maunawain sa lahat ng oras. Alam kong mahirap tanggapin ang aming naiibang relasyon ni Johan ngunit ipinakita pa rin nya sa amin ang kanyang pagsuporta kaya naman umaapaw ang aming saya dahil halos perpekto na ang aming relasyon.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon