PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
July 20, 2020
Part 49
Alas 8 ng umaga noong kami nakarating sa probinsya ng Benguet. Inabot kami halos ng gabi sa byahe kahapon kaya nag siksikan nalang kami sa isang maliit na transient house na nadaanan namin sa kabilang bayan. Hindi ko akalaing umabot ng ganito kalayo sina papa para lang maka hanap ng donor ng aking mata. Habang nasa byahe ay maigi kong pinag mamasdan ang ganda ng natawin, ang mga bangin ay matatarik at ang hangin ay malamig, amoy simoy ng kapipitas na bulaklak. "Ang akala namin ng papa mo susuyurin namin ang buong bansa para lang makahanap ng donor, sadyang itinuro lang kami dito sa kapalaran." ang wika ni Mr. Escaler habang nag ddrive.
"Maganda dito, payapa at parang simple ang buhay." ang wika ni Johan habang naka tanaw sa mga taong nag tatanim sa hagdan ng palayan.
Makalipas ang ilang minutong pag ddrive ay nakarating kami sa gitna ng bayan kung saan natunton namin ang address na nakasulat sa naturang papel na aking hawak. Bumaba kami sa bakuran ng isang bahay at dito ay agad kaming sinalubong ng isang matanda. "Sino po sila?" tanong nito.
"Magandang umaga po, ako si Governor Jonico Escaler, nais ko lang malaman kung dito pa ba nakatira ang pamilya ni Mary Grace Fernandez?"
"Dito nga po sir, kaso ay matagal nang pumanaw ang aking apo." ang wika ng matanda.
"Alam ko, at nandito kami noong araw na iyon. Narito ang aking dalawang anak na sina Aldrin at Johan, isa sa kanila ang nag mamay ari ng mga mata ni Grace."
Napatingin sa amin ang matanda at binuksan niya ang tarangkahan, dito lumabas ang mga magulang, kapatid at iba pang kaanak ni Mary Grace sa kanilang bakuran. "Magandang umaga po Ginoo." ang bati ng mga magulang ni Grace.
"Magandang umaga rin po. Kayo po si Mr. And Mrs Fernandez ang mga magulang ni Mary Grace tama po ba?" tanong ng papa ni Johan.
"Opo, ngunit ang aming anak ay matagal nang pumanaw. Ano po ang kailangan ninyo sa kanyang mga naiwan?"
"Alam kong kalabisan ang aming pag parito at sana ay patawarin niyo kami sa aming pang isstorbo. Ngunit itong aking anak na si Aldrin ay nais lamang makita ang pamilya ng taong nag bigay sa kanya ng mga mata."
Lumakad ako sa kanilang harapan. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin. Ako naman ay muling binalot ng kakaibang emosyon ng pinag halong kaba, takot, lungkot at saya. Basta mahirap unawain, ang alam ko lang ay kumakabog ng mabilis ang aking dibdib. "Ako po si Aldrin, nabulag ako noon dahil sa isang aksidente. Nag papasalamat po ako sa inyong anak dahil binigyan niya ako ng pag kakataon para muling masilayan ang ganda ng mundo. Alam mo kong masakit ang pag kawala niya ngunit mayroon naman siyang naiwan at iyon ang kanyang mga mata na nasa akin." ang wika ko na hindi malaman kung maiiyak ako o matutuwa. Ang emosyon ay nakakabuang lalo't hindi mo maunawaan ang siyang nangingibabaw.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...