PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 34
"So ayun second day palang audition ay mag nakuha na sila agad." ang wika ni Dante habang nag sserve ng miryenda sa amin.
"E sino naman daw?" tanong ko.
"According kay Shan Dave ang pangalan daw nung bagong Alyas ay si Gorien Merrick Raval." ang wika ni Julian.
"At mayayaman ang mga Raval, lahi iyan ng billionaires! O diba, lalaking may gintong kutsara ang peg ng isang to. At may sariling alalay ha." ang wika ni Dante habang hinahanap ito sa social media.
"Baka naman patapon rin o kaya mabisyo kaya napasok at nagustuhan nila Bogs." pag tataka ni Greg.
"Wait, eto na!" ang wika ni Dante at noong lumabas ang larawan ni Raval ay nahulog ito sa bangko. "OMG, korean naman pala. At ang abs ha, panalo. 5'8 ang taas, top student, SSC president, matinee idol, campus crush, most outstanding student of the year. Quiz bee champion at isang model. Isa rin siyang singer, dancer at composer. Eh paano naging alyas to e ang perfect naman pala?" pag tataka ni Dante.
"Paano? Baka dahil gwapo at baka may something sa kanya na may angas at kalokohan. Saka mayaman din naman si Raul sa Nueva Ecija at si Johan ay mayaman din. Malay mo mayroon talaga silang lahat na something in common." ang wika ni Greg habang kumakain.
"Kung ano man yung something in common sa kanila, im sure ay pagiging loko loko iyon." ang sagot ko naman sabay kagat sa donut.
"Mayroon pa ba kayong gusto?" tanong ni Julian
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...