PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 43
"Ayos ba pare?" tanong ni Shan Dave.
"Bakit dinala mo si Pretty dito?" tanong ni Johan.
"Nag text ka sa akin kagabi diba? Sabi mo ay may yayarian ka ngayong araw, kaya dinala ko dito si Pretty, diba dito ang place niyo?" tanong ni Shan
"Gago, yung sinasabi kong yayariin ay yung mga cellphone at gadget na ipaparecondition natin. Wala akong sinabing yayariin si Pretty dito." ang sagot ni Johan.
"Ganoon ba, akala ko bakbakan na e." ang naka ngising bulong ni Shan.
"Palpak talaga iyang si Shan Dave." ang bulong ni Dante samantalang kami naman ni Greg ay napatingin kay Raul na noon ay nakatayo sa likod ni Pretty. Naka ngisi ito ng kagat labi habang pinag mamasdan ang ngingi ng pwet nito na parang libog na libog, halatang namboboso ito dahil pati dibdib ay sinisilip ng patahimik. Kaya lumapit sa kanya si Greg at hinila ang tainga nito palayo sa dalaga.
"Aray, bakit ba?" painosenteng tanong ni Raul.
"Baka lumuwa yang mata mo kakaboso dun sa babae. Para kang asong ulol na nakatitig sa ngi-ngi ng pwet niya kanina." ang sagot ni Greg sabay pingot sa tainga nito.
"Wala akong alam sa pinag sasasabi mo." pag tanggi nito at maya maya naluhog kunwari ang susi ng sasakyan na kanyang hawak. Pinulot niya ito pero sinilip lang ang panty ni Pretty na noon ay naka tuwad pa at inaayos ang kanyang rubber shoes.
Sinipa pa siya ni Greg. "Umuwi kana nga! Puro ka kalokohan e."
Maya maya ay muling lumingkis si Pretty kay Johan. "Babyboy ano pa bang ginagawa natin dito? Love making day natin ngayon diba?" malanding tanong nito habang naka lingkis sa kanyang braso. "Saka sino ba itong tao mga ito?" tanong pa niya noong mapaharap sa amin.
"Mga chiwariwaps lang sila dito sa rest house nila Raul. Huwag mo silang pansinin." ang sagot ni Johan.
"Ganoon ba? Umalis na tayo dito, love making day natin today diba?"
"Love making day? Napaka el mo namang babae ka. Dapat hindi Pretty Gorgeous ang name mo kundi Pretty Pervert!" ang hirit ni Dante.
Tumingin sa kanya si Pretty at umirap ito. "Baby bakit pinapakawalan ninyo yung alaga ninyong peruvian guinea pig?"
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...