"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
July 8, 2020
"Yes. Importante ang lakad natin today. History in the making ito. Ito ang babago sa kasaysayan ng Compound Bagong Buhay Bagong Pag Asa Street!" ang pag yayabang ni Dante.
"Kinakabahan ako sa intro mo. Anong mangyayari?" tanong ko.
Humarap si Dante sa aming tatlo..
Naiyak pa ito pero agad rin niyang pinahiran..
"Makinig kayong tatlo. Isa sa inyo ang magiging "The Last Pogi."
Part 33
"Seryoso? Bigyan niyo ako ng dahilan kung bakit kailangan nating makuha yung pwesto." pag tataka ko habang naka sakay kami sa sasakyan ni Greg.
"Dahil kailangan natin ng access sa grupo nila, para alam natin yung mga lakad nila, yung mga activity nila. Saka bakit ba kayo nag woworry? Gwapo naman kayo, kay Julian palang taob na yung iba diba? Saka good thing na rin na mayroon tayong bantay na isa sa inyo. Para incase na nag tataksil sila ay madali silang mahuhuli." sagot ni Dante.
"Paano tayo makakapasok sa audition, nabasa ko doon sa qualification na kailangan ay may pirma ka ng dalawang alyas bago tayo tanggapin at iharap sa kanila." pag tataka ko.
"Mayroon na, may pirma na ni Raul at Shandave." ang sagot ni Julian.
"Ibig sabihin pumayag si Shan Dave at Raul na isali kayo sa audition?" tanong ko.
"Syempre ay hindi. Kaya gumamit sila ng pinag babawal na teknik para mapapirma yung dalawang gung gong." ang wika ni Dante.
"Paano?" tanong ko.
Natawa si Julian. "Nilasing muna namin, yung alak na tatlong lagok palang ay hilo na. Tapos nakipag sex kami. Katulad sa part ko, alam kong kung saan ang weak point ni Shan Dave, nababaliw iyon kapag doon ko pinupuntirya. Tinakot ko siya na ititigil ko kapag hindi niya piniramahan yung papel. Dahil lasing siya at mapungay ang mga mata niya ay wala siyang nagawa kundi ang pirmahan ito. Pag katapos lagdaan ni Shan Dave ay ibinigay ko naman ito kay Greg."
"At ganoon rin ang ginawa ko, pina pirmahan ko ito sa lasing na si Raul, sinabi ko na para ito sa business namin. Hindi naman kasi pala tanong at hindi rin mausisa yung asawa ko na iyon." wika ni Greg.