AGG S2 Part 53

3.6K 252 30
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

Part 53

"Bakit naman naisipan mong mag punta dito sa farm namin? Siguro iniisip mo na malapit na talaga akong mamatay." ang wika ni Johan habang nag lalakad kami patungo sa fishpond at sa kubo sa tabi ng kanilang malawak na bukirin. Tinulungan lang kami ng mga caretaker para buhatin ang aming mga gamit.

"Huwag mo na nga isipin iyan, kung ano anong sinasabi mo e. Basta gusto ko mag enjoy tayo ngayong araw, huwag ka na mag rereklamo o mag papaharing sa akin." ang tugon ko.

Buo ang aking desisyon na alagaan at huwag umalis sa tabi ni Johan. Kahit na parati niya akong pinaparinggan o iniinis ay pinag papasensiyahan ko nalang. Paulit ulit niyang sinasabi sa akin na kaya ko lang ginagawa ito dahil malapit na siyang mamatay at nag aawa ako sa kanya. Nag aalis lang raw ako ng pag kaguilty dahil sa mga panloloko ko sa kanya. Minsan talagang naiinis ako at gusto ko siyang hampasin ng malakas sa ulo, kaso ay mas makabubuting huwag ko nalang siyang patulan kahit paminsan minsan ay napipikon na ako.

Nag latag ako ng banig sa ilalim ng puno ng akasya, nakaharap ito sa fishpond at inayos ang aming mga dalang pag kain at inumin. Pareho kaming naupo ni Johan dito at pinag masdan ang magandang kalangitan. Ang luntiang paligid ay mayroong malamig na hangin habang walang ibang maririnig kundi ang nalagaslas ng dahon sa mga puno na wari'y nag sasayaw. "Ito ang pinaka magandang lugar para sa akin. Noong nabulag ako ay dito mo ako dinala diba? Noong mga sandaling iyon ay lumakas ang loob ko at sinabi ko sa aking sarili na lalaban ako at hindi mag papatalo sa mga pag subok na iyon. At hindi mo ako iniwan noon, nanatili ka sa aking tabi at ni minsan ay hindi ko naramdamang nag iisa ako kaya't kahit wala akong makita noong mga sandaling iyon ay naging maayos pa rin ang pakiramdam ko dahil alam kong nandito sa akin tabi. Ngayon, gusto kong maramdaman mo na nandito lang rin ako sa tabi mo at kahit itaboy mo ako ng isang libong beses ay hindi ko magagawang lumayo sa iyo." ang wika ko habang nakahawak sa kanyang mga kamay.

Tahimik..

"Ang bilis ng panahon, napaka tapang ko noon, wala akong kinatatakutan. Pero ngayon? Nakakaramdaman ako ng takot hindi ko maunawaan. Marami tuloy akong pag sisisi sa buhay ko. Sana ay nag tapos ng kolehiyo, sana ay mayroon rin akong magandang trabaho o sana ay naka suot ng uniporme ng isang executive. Sana ay ginugol ko ang mga oras ko noon sa mas magandang bagay at hindi ako naging sakit ng ulo sa iba. Ngayon? Ang lahat ng "sana" na nais ko ay mananatiling isang suntok sa buwan. Ngayon ko lang napag tanto na ang kamatayan pala ay kasing bilis lang ng pag papalit ng damit. Hindi literal ang ibig kong sabihin, maayos ang suot mo ngayon, tapos bigla nalang itong mapupunit, madudumihin o kaya ay mag kakamantsa. Parang sa buhay ng tao, magandang takbo ng buhay mo pag katapos sa isang iglap ay bigla nalang itong mag babago at ang mga butas o mantsang iyong ay ang mga pag subok at problema na darating para yakapin ka ng mahigpit hanggang sa mag iwan itong ng takot at kalungkutan sa iyong pag katao."

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon