SEASON 2 NOTE:

6.1K 326 51
                                    

NOTE:

MUST READ..

Taong 2015 noong ilabas ko ang "Ang Gwapong Gago" mayroon lang itong 24 chapters. Noong macompleted ko ito ay hinayaan ko nalang doon, ni hindi na ito dumaan sa promotion para mas makilala. Ilang sites na rin ang nag nakaw nito at maraming beses na rin itong ipinost ng walang pangalan ng author at walang pahintulot.

Ito ay kwento ni Johan Escaler na tinagurian "Gwapong Gago" sa Compound ng Bagong Buhay Street. Marami siyang kalokohan at kautuan sa buhay dahil kakulangan ng tamang gabay. Isa siya sa pinaka sikat na character na nililkha ko at talagang minahal ng mga mambabasa simula pa noon.

BAKIT NAG KAROON NG SEASON 2?

Naisipan kong dagdagan ng 24 parts niya. Last time kasi chineck ko ito status ng story ko at nakita kong medyo napag iwanan na si Johan. Halos hindi na umuusad ang reads niyas simula pa noong nakaraang taon. Dito pumasok ang idea na buksan ang panibagong season para sa kanya.

Wala itong bagong book, idurugtong lamang natin doon sa existed na book niyang may 24 chapters.

PLOT:

Noong season 1 ay tungkol sa patapon na si Johan at kung paano siya binago ng pag mamahal. Ipinakita rito na si Johan ay isang taong nag pupumilit na mag bago para sa taong mahal niya.

Ngayong season 2, ipapakita rito na si Johan ay nag pupumilit namang maging isang mabuting kasintahan at responsableng kapareha. Nais niyang patunayan na ang gwapong gago noon na patapon at puro sakit ng ulo ang ibinibigay ay isang responsableng tao na ngayon. Ngunit ang tanong ay hanggang kailan?

ANO ANG MAYROON SA SEASON 2

Kung noong season 1 ay umikot ang kwento kay Aldrin at sa pag babago ni Johan. Ngayong season 2 ay mas malawak na ang mundong ginagalawan nila. Pumasok na rito ang iba't ibang timeline na nabasa ninyo sa ibang book ng mga Alyas katulad ng The Last Pogi, Alyas Kanto Boy at Alyas Pogi. Kaya't tiyak na magiging sobrang exciting dahil makakarelate kayo sa bawat scenes. Aabangan rin dito sa season 2 ang appearance ng iba pang alyas tinitiyak kong lahat sila ay mayroong magagandang parte na gaganapan sa season na ito.

CHARACTERS AND WRITING STYLES:

Pinilit ko pa ring isustain ang trademark na ugali ng mga main characters, talagang nireview ko yung mga kakulitan nila. Siguro ang magiging changes lang dito ng kaunti ay ang writing styles ko. Noon kasing 2015 sobrang seryoso ako sa pag susulat ng mga scenes, hindi ako nag lalaro ng emosyon noon, basta malungkot ang tagpo ay malungkot nalang talaga.

Kaibahan ngayong 2020 na siguro ay nag mature nalang ako at nag bago na rin nag pananaw ko sa mga bagay sa paligid ko kaya puro kalokohan at naisusulat ko pero may aral naman talaga kung minsan at wala kang itatapon. Ang pag susulat ko kasi ay depende kung paano tingnan ang isang bagay, mula kasiyahan, kalungkutan at combined emotions na talagang nakaka baliw kung minsan. Basta mararamdaman mo ang pag kakaiba ng season 1 noong 2015 at season 2 limang taong pagitan ngayon 2020 sa oras na simulan mo itong basahin.

ANO ANG NAGING CHANGES O PAG BABAGO SA OLD BOOK NG AGG?

1. Cover. Ang new Cover ay ginawa ni Sir Ronie Hipolito o mas kilala bilang si Author Lake_GAD

 Ang new Cover ay ginawa ni Sir Ronie Hipolito o mas kilala bilang si Author Lake_GAD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2. Yung salitang wakas ay ginawang END OF SEASON 1.

 Yung salitang wakas ay ginawang END OF SEASON 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3. Dati ay "Completed" ito ngayon ay ginawa ulit na "On Going."

Simulan natin ang season 2 sa Aug 1, 2020 at mababasa lang ito DITO sa wattpad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simulan natin ang season 2 sa Aug 1, 2020 at mababasa lang ito DITO sa wattpad.

*******

Saloobin ko..

Dumarating talaga sa punto na nararamdaman mong napapagod ka kaya ang kailangan mo ay mag pahinga. Noong time na nag decide ako mag quit, iyon rin yung time na nawala yung isa sa mga kaligayahan ko. You know what, kasi masyado akong nag expect na gaganda yung standing ng mga ginagawa ko, na bubuhos ang maraming suporta katulad sa pangarap ko pero sa tingin ko ay hanggag pangarap lang talaga iyon, kasi kahit gaano ko ilagay yung puso ko sa ginawa ko, in the end nilalangaw pa rin yung pinag hirapan ko. Ngayon, sa tingin ko ay nag karoon ako ng maturity na tanggapin na hanggang dito lang talaga.

At tungkol naman sa pag lipat ng ibang story ko sa Dreame. Yung mga story ko ay para ring tao, binigyan ko sila ng pag kakataong mag grow at umunlad sa ibang lugar. At para sa aming mga writer na madalas nakawan ng mga gawa, sa tingin ko ay isang security ang pag lipat doon ng mga pinag hirapan namin, ganoon lang rin naman wala namang bayad doon. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na ako mag lalabas ng story dito sa wattpad. Marami pa rin akong ipupublish dito sa mga darating na buwan.

At para sa inyo na walang sawang bumabatikos sa akin dahil nag sign ako sa dreame, kung hindi niyo naman ako magagawang suportahan ay huwag niyo nalang ako saktan. Hindi ka ba naging maligaya habang binabasa mo yung mga akda ko? Hindi ba kita napangiti man lang? Sa lahat ng kasiyahang dulot ng mga stories ko sa buhay mo noong makita mong inilipat ko ito sa ibang site ay "finuck you" mo pa ako at binura mo lahat ng kasiyahan na naidulot ko sa iyo.

Nililinaw ko lang po na hindi ako nag lilimos ng followers sa dreame. Yung 700 na taong nag follow sa akin doon (kung isa ka doon) ill make sure na hindi masasayang ang effort mo sa pag suporta sa akin. Ibibigay ko yung benefits na deserve niyo. Pangako iyan..

Kung gusto niyo pong dagdagan ito ay maraming salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung gusto niyo pong dagdagan ito ay maraming salamat. Kung ayaw niyo naman akong suportahan okay lang rin.. salamat pa rin..

Godbless us All

Ai_Tenshi

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon