Ang Gwapong Gago Part 8

17.9K 623 3
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

Chapter 8

Makalipas ang ilang oras na pagbabantay sa ospital, muling nagkamalay ang ama ni Johan at laking gulat nito nang makita ang kaniyang anak na naka- upo sa kaniyang tabi. "Papa, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Johan at bakas na bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagsisisi. Hindi naman makapaniwala ang kaniyang ama na muling masilayan ang mukha ng anak makalipas ang halos ilang buwang paglalayas nito. "Mabuti na ako anak. Salamat dahil naisipan mo akong dalawin dito".

"Patawarin mo ako papa. Sana ay kalimutan na natin yung mga bagay na hindi na natin napagkasunduan. Gusto kong malaman mo na nagsisisi na ako sa aking mga pagkakamali. Hindi ko dapat sinisi sa iyo ang pagkawala ni Kuya Jeff. Im sorry papa".

"Huwag kang humingi  ng tawad. May mga pagkukulang din ako sa iyo bilang ama. Patawarin mo ako sa aking nagawang pagkakamali. Bukas ang pinto ng ating tahanan. Umuwi kana..."

Napuno ng pagpapatawad at pagmamahal ang buong silid. Kaya naman nagpasya muna akong lumabas upang makapag- usap si Johan at ang kaniyang ama ng masinsinan. Alam kong marami silang isyu na dapat talakayin ngunit ang mahalaga ay maayos na ang lahat sa pagitan nilang magama. Masaya ako dahil kahit papaano ay alam kong may gagabay na muli sa taong labis kong pinahahalagahan at iyon ang aking ikinatutuwa.

Makalipas ang ilang minuto dumating naman si mama at papa sa ospital sa pagaakalang si "Johan ang binaril" kaya naman laking pasasalamat nila na ligtas ito at mali pala ang kanilang akala. Siyempre ipinakilala kami ni Johan sa kaniyang ama. Natawa lamang ako sa reaksyon nila mama noong malaman na ang bise gorbernador ng aming lalawigan ang ama nitong si Johan. Aaminin ko na maging ako ay shock pa din hanggang ngayon. Kaya naman pala wala sa hitsura niya ang maging drug adik at mang snatch dahil talaga naman palang laki ito sa isang respetadong pamilya. At nag pasalamat naman ang papa ni Johan sa aking mga magulang sa pagkupkop at paggabay sa kaniyang pasaway na anak.

Sa maghapong pananatili namin sa loob ng ospital nag karoon din ako ng pagkakataong makausap ng sarilinan ang bise- gobernador at naglabas ito ng saloobin tungkol sa kaniyang anak. "Nagpapasalamat ako sa’yo dahil sa walang sawang paggabay mo sa aking anak. Masaya ako at nagkaroon siya ng isang responsable at maunawaing kaibigan. Hindi lahat ng tao ay kayang intindihin ang aking anak dahil nga may pagkaloko- loko at pasaway ito".

"Wala po iyon. Ang mahalaga ay hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Iyan po ang madalas na ipinaliliwanag ko sa kaniya".

"Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ako sa pagkawala ng kaniyang ina at kapatid. Naaalala ko pa noon, bata pa lamang si Johan ay nakakitaan ko na ito nang pagiging pasaway at spoiled brat. Sunod kasi ito sa layaw at lahat ng kaniyang naisin ay ibinibigay ng kaniyang ina dahil nga bunsong anak namin ito. 10 taong gulang si Johan noong pumanaw ang kaniyang ina dahil sa nadamay ito sa away politika ng aming angkan. Isang malagim na pangyayari iyon sa aking buhay at halos ikabaliw ko ang kaganapang ito. At ang pinaka masikit pa sa lahat ay ako ang sinisisi ng aking mga anak sa pagkawala ng kanilang ina. Nagbago ang ugali ni Johan at naging bugnutin ito. Galit siya sa lahat ng bagay na aking ginagawa kaya’t hindi ko ito nakakasundo.  Idagdag mo pa ang malagim na sinapit ng kaniyang kapatid kaya’t mas lalo pa itong nag rebelde sa akin. Ngunit gayon pa man, sa kabila ng lahat ng ito ay nanaig pa rin ang aking pagiging ama. Sa tuwing gumagawa ito ng gusot ay nagpapadala ako ng tauhan upang tulungan siya o kaya ay ilabas ng kulungan. Hindi ko pa rin kayang tiisin ang aking anak kahit ano mang mangyari".

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon