PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
Ai_Tenshi
July 3, 2020
Part 29
Dalawang araw ang lumipas, dumating ang araw ng Sabado. Alas 4 palang ng hapon ay abala na kami sa hahanda para sa aming engagement. Katakot takot rin na long sleeves at polo ang naka kalat sa kama dahil sa pag susukat ni Johan, ang karamihan dito ay bagong bili pa ngunit ang problema ay tila hindi niya magustuhan ang pakat sa kanyang katawan kaya daig pa ang nakatambak na ukay ukay sa aming silid. "Teka okay naman ang mga ito diba? Alam mo kahit ano pang isuot mo ay tiyak na babagay sa iyo dahil gwapo ka." ang wika ko at ako na mismo ang lumapit sa kanya para mamili ng kanyang isusuot.
"Syempre, gusto ko ako ang pinaka gwapong lalaki doon sa loob ng function room. Kaya namimili ako ng kulay na mag sstandout ako." ang sagot nito.
"Edi sana pinag suot mo ng maskara sina Shan Dave at Raul para hindi ka nila matalbugan, alam mo naman na marami rin ang nababaliw sa dalawa na iyon." ang wika ko sabay kuha ng long sleeve na kulay asul at isinusuot ito sa kanya. "Pero syempre ikaw naman ang pinaka gwapo sa mga mata ko " dagdag ko pa habang inaayos ang kohelyo nito, itinupi ko rin ang sleeves niya na hanggang siko.
"Sinasabi mo lang yan kasi kaharap mo ako." kunwaring pag mamaktol niya.
"Basta sinabi ko at galing iyon sa puso ko. Kaya nga "Gwapong Gago" ka diba? Kasi nga gwapo ka at proven iyon."
"At gago rin ako? At proven iyon?" tanong niya.
"Oo, pwede rin." tugon ko.
"Pwede naman ako mag bago ng alyas e."
"At ano naman ang ipapalit mo aber?"
"Alyas Daks. Kasi diba malaki titi ko kaya nga nababaliw ka sa akin." ang pilyong sagot niya.
"Sira, puro ka kalokohan dyan e. Tara na malalate na tayo. Papunta na raw sina mama at papa sa venue."
"Huwag ka nga mag apura, si Dante na ang bahala sa kanila." ang tugon ni Johan sabay hawak sa aking braso. Hinalikan niya ako sa labi, torrid ang aming ginawa habang mag kayakap. "I love you." ang wika niya na nag bigay sa akin ng ibayong kilig.
"I love you, too." ang sagot ko at muli ko siyang hinalikan sa labi. Kapwa kami kinakabahan pero mas nangingibabaw ang aming hindi mapapatayang excitement noong mga sandaling iyon. Hanggang sa loob ng sasakyan ay hinahawakan ni Johan ang aking kamay at hindi ito mapakali na parang tense na tense. "Bakit ayaw mong mag relax?" tanong
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...