Ang Gwapong Gago Part 12

15.7K 606 75
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 12

 

Sa pagdaan ng mga araw, pinilit kong ibalik sa ayos ang aking buhay. Sumabay ako sa agos ng oras hanggang sa unti- unting mabura ang lungkot na aking nadarama. Namamasyal ako sa iba’t ibang lugar kasama ang aking mga kabarkada, namimili ng mga bagong damit at gamit o kadalasan naman ay isinusubsob ko ang aking sarili sa pag- aaral hanggang sa lumipas ang buong maghapon. Paulit- ulit lamang ang aking buhay. Para lang itong isang pelikula na walang sawang pinipindot ang playback button.

Lahat ay ginawa ko upang makatakas sa anino ni Johan ngunit talaga yatang mapanuya ang panahon dahil pilit pa rin akong minumulto ng nakaraan. Isang araw habang naglalakad ako patungo sa parking lot ay hindi inaasahan mag krus ang landas namin ng kasintahan ni Johan na si Elise. Hindi ko na sana ito papansinin at magpapanggap na lamang ako na hindi ko ito kilala ngunit siya mismo ang lumapit sa akin upang kausapin ako. "Bakit hindi ka na yata sumasama sa boyfriend ko? Nagaway ba kayo?" ang tanong nito.

"Ah… hindi naman. Naging busy lamang ako kaya’t hindi ako madalas nakakalabas".

"Oh really? Naging busy ka ba talaga o baka naman mayroon kayong ibang agenda ng boyfriend ko?"

"Ano bang sinasabi mo? Saka bakit nagkakaganyan ka? Ano bang ginawa ko?"

"Ang akala mo ba hindi ko alam ang sikreto nyo ng boyfriend ko? Nakita ko kayo na nag- aaway sa bakanteng lote at rinig na rinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo. Hindi ako makapaniwala na ang katulad mo ay isa palang malansang isda. Pero infairness hindi halata ha? Anong pinakain mo sa kasintahan ko para patulan ka niya? I’m sure hindi bakla si Johan at kung mayroon mang binabae sa inyo malamang ay IKAW iyon!" ang pang- iinsulto nito.

Halos pigain ko ang aking sariling kamay sa tindi ng panggigigil kay Elise "Hindi ako pumapatol sa babae kaya kung maaari ay umalis ka na sa aking daraanan," pinilit ko pa ring ikalma ang aking sarili.

"Bakit naman ako aalis? Ayaw mo bang marinig ang katotohanang ginawa ka lamang parausahan ni Johan? Ewan ko ba naman kasi sa kasintahan ko kung bakit mabilis maawa sa mga taong naghahabol sa kaniya," pagtataray pa nito.

Natahimik ako.

Kung sabagay ay totoo naman ang sinasabi niya. Ginamit lamang ako ni Johan.

"Maaaring ginamit nga lang ako ni Johan, ngunit tinitiyak ko sa iyo na nagtira ako ng kaunting respeto sa sarili ko. Kapag iniiwan ako ay hindi ako bumabalik pa. Hindi katulad mo na inawan na kung saan mang lupalop ngunit bumabalik pa rin. Bantayan mong mabuti ang boyfriend mo lalo na ngayong alam mo nang hindi lamang siya sa babae pumapatol kundi maging sa lalaki rin. Nakakahiya naman siguro kung isang lalaki pa ang makakatalo sa iyo. Iyon lamang ang masasabi ko kaya kung maaari ay umalis ka na sa aking daraanan".

"Tama iyan! magtira ka ng respeto sa sarili mo kaya kung maaari ay huwag ka nang makikipagkita pa kay Johan. Bigyan mo siya ng ordinaryong buhay at hayaan mo kaming bumuo ng aming sariling pamilya. Ako ang may kakayahang mag paligaya sa kaniya dahil BABAE AKO at mabibigyan ko siya ng mga anak at mas madali kong mapupunan ang kaniyang mga pangangailangan. Ito ang mga bagay na hindi mo kayang ibigay," ang sabi nito sabay alis sa aking harapan.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon