"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
July 24, 2020
Part 56
"Aldrin, can you hear me? Basta ang gusto ko lang gawin mo ay sumunod ka sa instructions ko. Follow my voice okay? Masakit pa ba ang mata mo? Don't worry mamaya lang ay magiging maayos kana ulit. Normal lang na makaramdam ka ng pag kahilo at panlalabo sa una dahil sa gamot. Mahapdi ito at parang nakakahilam pero makakasanayan mo rin ito, relax ka lang habang inaalis ko ng bundahe sa iyong mga mata." ang boses na aking narinig.
Mula sa madilim na paligid ay tila lumiwanag ito at gumaan ang aking mata dahil nawala ang mga bundaheng naka palibot nito. "Marahil ay hindi mo naramdaman na ikaw ay aming ginamot dahil halos 2 days kanang walang malay bago ang aksidenteng iyon pero huwag kang mag alala dahil maayos rin ang lahat. Ngayon Aldrin, ibukas mo ang marahan ang iyong mga mata. Huwag mong biglain, dahan dahan lamang." ang utos ng boses
Marahan kong ibinukas ang aking mata, masakit ito, mahapdi. Halos mapaluha ako kaya naman muli akong pumikit dahil hindi ko na ito nakayanan. "Aldrin, sumubukan mo ulit. Relax lang, everything will be alright." ang wika niya.
Muli kong sinubukang ibukas ang aking mga mata. Tiniis ko ang ibayong kirot nito, halos maihi ako sa matinding sakit kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa braso ng doktor.
Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan kong naibukas ang aking mata, sa una ay medyo blurred ito parang mausok ang dating pero habang tumatagal ay lumilinaw ito at nagiging maayos. "Nakikita mo ba ako ng maayos?" tanong doktor.
"Opo." ang sagot ko.
"Operation successful, salamat sa new technology natin from US. Ngayon ang mga opera ay madali ng gumaling dahil instant laser." ang wika niya.
"Congratulations Doc." ang bati ng mga nurse sabay ngiti sa akin. "Welcome back Aldrin." ang bati pa nila.
"Hijo, dito ka muna sa silid tatawagin ko ang parents mo. Tiyak na matutuwa sila dahil maayos na muli ang iyong mata." ang wika nito at lahat sila ay lumabas sa silid.
Inikot ko ang aking paningin, pinagulong ko ang aking wheel chair at pinag masdan ang aking mata sa malaking salamin. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may nakita akong isang lalaking naka higa sa hospital bed at may bundahe sa kanyang mga mata. "Aldrin, nakaka kita ka na ba?" tanong nito.