AGG S2 Part 50

3.4K 248 35
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

July 20, 2020

Part 50

"So stress ka pa rin dahil kay Johan? Anyway wala ka naman talagang mapapala sa taong walang direksyon ang buhay. Ayaw niya tapusin ang pag aaral niya, ayaw rin niya mag negosyon ng marangal, kung hindi lang siya anak ni Gov Escaler ay matagal na iyang nabulok sa kulungan." ang wika ni Clifford habang naka upo kami sa isang private na kainan.

"Pinipilit ayusin ni Johan ang buhay niya. Halos apat na taon rin kaming mag kasama at hindi naman siya nag bigay ng sakit ng ulo sa akin." ang wika ko habang naka tingin ng tuwid sa kanyang mata.

"And now, mukhang pinag tatanggol mo pa siya ah. Nga pala, kung pwede ka bukas puntahan natin yung pamilya ni Gian, im sure na matutuwa iyon."

"Pamilya ni Gian? Sorry pero hindi ako pwede." ang pag tanggi ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. "Bakit naman? Ayaw mo ba mameet ang pamilya ng nag bigay ng mata mo?" tanong niya

"Nameet ko na sila kahapon, doon sa Benguet. Nakilala ko na yung pamilya ng totoong nag bigay ng mata ko." ang wika ko.

Uminom siya ng alak. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito

"Noong nakaraang araw ay nakita ko si Gian sa mall, buhay siya at gumagalaw sa aking harapan. Para akong mabubuang noong mga oras na iyon, ni hindi ako makapaniwala. Pero dahil sa gusto kong malaman ang totoo ay nag lakas loob akong kausapin siya. Narito ang social media niya, Billy De Guzman ang pangalan niya at isang nurse sa Dubai. Sa makatuwid ay gawa gawa mo lang lahat, at ang multong ginawa mo ay pinaniwalaan ko naman at mukha akong tanga. Parang kang gumawa ng isang poser account at nag imbento ng kwentong pulido na kapani paniwala. Ngayon Mr. Marzan, sino ka ba? At bakit mo ito ginagawa sa akin?" tanong ko ng tuwid sa kanya.

Natawa siya. "At paano mo naman nalaman ang ganyang mga bagay? Alam mong ginagawa ko ito dahil sa pag mamahal ko sa iyo. Gusto kong maging masaya ka."

"Hindi e, niloko mo ako kaya paano pa kita pag kakatiwalaan? Pinag laruan mo lang ang emosyon ko. Ngayon sagutin mo ang tanong ko. Sino ka ba talaga?"

"Totoo ang lahat ng mga sinabi ko. At nandito ako para sa iyo."

"Baliw." ang sagot ko sabay tayo aking kinauupuan. "Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga kwento mo, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Diyan kana Mr. Marzan."

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon