Ang Gwapong Gago Part 10

17.2K 600 97
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 10

 

Alas diyes ng umaga noong kami ay magising. Agad kaming bumalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo upang maglinis ng aming malalagkit na katawan. Bakas na bakas sa mukha namin ni Johan ang labis na kaligayahan at pakiramdam ko tuloy ay para kaming mag- asawang nakatira sa iisang bubong. Hindi naman ako feelingero ngunit ganoon na rin iyon. At sa mga oras na  ito, isa lamang ang dalangin ko na sana ay wala nang katapusan ang lahat ng ito.

Matapos ang tanghalian, nagyaya naman si Johan na mamasyal sa rest house nila sa paanan ng bundok. Maganda daw kasi ang tanawin doon at mas sariwa pa ang hangin dahil sa mga berdeng bukirin. Siyempre "OO" ako kaagad dahil ayokong palagpasin ang pagkatataon na makasama ko ng mas madalas ang taong nagpapasaya sa akin. Wala kaming dinalang gamit maliban lamang dalawang pirasong pamingwit ng isda na gagamitin namin sa kanilang fish pond at ihawan upang paglutuan ng mga ito. At habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang bahay pahingahan ay hindi mo maitago ang labis na excitement.

Alas dos ng hapon noong makarating kami sa eksaktong lugar at doon ay namangha ako sa aking nakita. Maganda nga pala ang lokasyon ng kanilang rest house dahil malapit ito sa paanan ng bundok at sa gilid nito ay mayroong man- made na lawa at iyon ang ang kanilang fishpond. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kayaman sila Johan dahil ang buong angkan niya ay nasa mundo ng politika at makakapangyarihan ang mga ito.

Noong mga sandaling iyon, wala kaming ibang ginawa ni Johan kundi ang maghabulan sa berdeng damo ng paligid na tila solo namin ang buong daigdig. Para kaming sina Adan at Eva na nagsasaya sa paraiso ng kaligayahan. Walang humuhusga at walang namimintas. Malaya kaming gawin ang ano mang aming naisin.

Ilang minuto ang lumipas at matapos makaramdam ng pagod inihanda namin ang mga pamingwit at doon kami naupo sa tulay kung saan makikita ng aming mga mata ang lawak ng fish pond. Enjoy na enjoy ako sa panghuhuli ng isda hanggang sa mapuno namin ang basket at ito ang aming naging hapunan. Masasabi kong ito na yata ang pinakamasayang weekend na aking naranasan.

Katulad ng dati, pinagsaluhan namin ni Johan ang magdamag ng magkayakap, at habang dinadama ko ang pintig ng kaniyang puso, tamihimik kong binibigkas ang aking hiling na sana ay hindi magbago ang tibok nito para sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling mawala ang kaisa- isang kaligayahan ko.

Kinabukasan, araw ng linggo at ito na rin ang oras ng pagbalik ko sa aming bahay. Tila nagtapos ang dalawang araw ng masasayang panaginip  at ngayon ay balik reyalidad na muli. Pakiramdam ko ay nagising ako mula sa isang perpektong pagkakatulog na ang laman ng aking isipan ay walang hanggang kaligayahan. Ngunit gayon pa man, taos- puso akong nagpasalamat sa papa ni Johan sa pagtanggap sa akin at siyempre sa kaniyang anak na siyang dahilan kung bakit may ngiti sa aking labi.

Habang inaakyat ang aking gamit sa loob ng sasakyan, may dumating na isang hindi inaasahang bisita. Isa itong magandang babae na pumasok sa bakuran at walang anu- ano’y nagtatakbo patungo sa kinalalagyan ni Johan sabay yakap at halik dito. "Surprise!!!" ang wika ng dalaga at muli itong humalik sa kaniyang labi.

"Elise?!" ang tanging nasabi ni Johan at bakas sa mukha nito ang pagkabigla. "Anong ginagawa mo dito?"

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon