AGG S2 Part 52

3.1K 230 24
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

July 22, 2020

Part 52

Tatlong araw na ang nakalipas noong malaman ko ang tungkol sa lagay ni Johan. Nag tungo rin ako sa mga doktor para iba tanong ang tungkol sa kanyang sakit, ipakita ko rin ang papel ng kanyang medical check up. Ang sabi nila ay magagamot ito sa ibang bansa ngunit may case na 50/50 dahil sa hindi maabot ng tumor. "Sa tatlong araw na iyon ay hindi na ako nakalapit kay Johan, itinaboy niya ako o kaya ay pinag tataguan. Napaka sakit sa akin na wala akong magawa para sa kanya." ang wika ko habang nakatingin lang sa pag kain, ni halos tatlong araw na akong walang gana. Sinusubukan ko kumain pero lumalabas ito sa aking bibig.

"Mayroon kasi talagang mga tao na ayaw ipag sabi na may sakit sila dahil ayaw nilang kaawaan sila. Katulad nalang nung pelikula ni Angel Locsin at Vilma Santos, diba may sakit si Vilma doon pero ayaw niyang ipag sabi sa lahat. Marahil ay ganoon lang rin ang nararamdaman ni Johan. At confuse pa ito sa mga nangyayari. Teka nasabi mo na ba ito sa parents niyo?" tanong ni Dante.

"Oo nasabi ko na, noong malaman ito ng kanyang ama ay agad itong nag pa book ng ticket pabalik dito sa bansa dahil nasa business meeting sila ngayon sa Singapore. Sina mama at papa naman ay nasa bakasyon at sa makalawa pa uuwi. Lahat sila ay naging emosyonal, nashock at si mama ay hinimatay pa sa masamang balitang iyon. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Si Shan Dave ay hinahamon ng suntukan ni Johan kahapon, inawat lang sila ni Raul at Gomer. Sa palagay ko ay nasa state pa ng acceptance si Johan tungkol sa pag babago sa kanyang buhay. Kung minsan mahirap para sa isang tao na tanggapin emotionally at mentally ang changes na maaaring bumago sa takbo ng buhay mo sa isang kisap mata. Siguro ang maganda mong gawin ay kausapin pa rin si Johan at iparamdam na hindi siya nag iisa. Halos ganyan rin yung pasyente namin sa ospital noong nakaraang linggo, naging bugnutin ito, naging mainitin ang ulo at nagalit sa mundo malaman niya na nag karoon siya ng breast cancer. Ang ending lahat ng tao sa paligid niya ay itinataboy niya kahit yung boyfriend niya at pamilya niya." ang wika ni Julian sabay lagay ng pasta at masarap na inumin sa aking harapan. "Kumain ka, baka maya maya ay mauna ka pa sa ex mong gago." ang wika pa niya.

"So anong plan mo?" tanong ni Dante

"Aalagaan ko si Johan, 100% ng oras ko ay sa kanya. Tapos mag ppropose ako, aayain ko siya mag pakasal at after noon ay ipapagamot ko siya sa Amerika. Lalaban kami, kailangan niyang mabuhay." ang wika ko at nag simula nanaman akong umiyak.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon