AGG S2 Part 51

3.4K 231 17
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

July 21, 2020

Part 51

Tila sasabog ang aking dibdib noong mga oras na iyon. Ang aking isipan ay napuno ng sobrang pag aalala. Agad akong umalis sa kainan at sumakay ng taxi patungo sa bahay nila Johan. Habang naka upo sa likuran ng sasakyan ay patuloy pa rin ang aking pag iyak habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Sir, okay lang po ba kayo?"

"Medyo, masama lang ang pakiramdam ko." ang sagot ko naman.

"Batid ko po na mabigat ang pinag daraanan mo sir. May kinalaman ba ang taong mahal mo dito? Nakikita ko ito sa awra ng iyong mga mata." ang wika niya.

"Marunong po pala kayong bumasa ng awra ng tao."

"Oo naman, kung di mo naitatanong ay kapatid ko si Madam Z, yung dating mang huhula diyan sa bayan. Kaso ay nasa ibang bansa na siya ngayon kaya ako ang pumalit sa kanya. Kaso ay mag kaiba kami ng estilo. Siya ay nilalatag ang baraha sa lamesa saka babasahin. Gusto mong subukan?" tanong niya sabay kuha ng baraha sa kanyang compartment. "Tawagin mo kong Maestro X, at ito ang aking ginagamit sa pag babasa ng bituin. Subukan mong kumuha ng tatlo." ang wika niya

Parang ayaw kumilos ng aking kamay pero maya maya ay kusa itong gumalaw at humugot ng tatlo sa mga barahang kanyang hawak. Parang kinontrol ng kung ano ang aking kamay at noong bumalik ang aking ulirat ay nasa kamay ko na ang bagay kanyang pinapakuha. "Ayos, iabot sa akin ang nasa gitna."

Inabot ko ito..

Kanya itong tiningnan..

"Iabot mo sa akin yung nasa ibabaw na baraha tapos ay isunod mo ang nasa ilalim." utos pa niya.

Inabot ko rin ito..

Tahimik..

Marahan ang patakbo ng aming taxi..

"Handa ka na ba Mr. Aldrin Jimenez? Huwag mo na itanong kung paano ko nalaman ang pangalan mo, simpleng bagay lamang ito. Babasahin ko ang baraha ayon sa pag kakasunod sunod ng iyong pag hugot. Makinig kang mabuti Hijo, ang mga ito ay sadyang gabay lamang at huwag mong masyadong dadamdamin, lagi mong tatandaan na tayo ang gagawa ng ating kapalaran. Pero hindi ibig sabihin ay dapat mo na itong bale walain.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon