PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisahin ang pahinang ito. Maraming salamat po"
Ang Gwapong Gago
AiTenshi
Chapter 4
"Maraming salamat po sa masarap na hapunan," ang wika ni Johan habang pasakay ito ng motor.
"Wala iyon Hijo. Bukas ang aming tahanan para sa iyo," sabi naman ni papa at tinapik ito sa kaniyang balikat.
Hindi nakapagtatakang makukuha niya agad ang loob ng aking mga magulang dahil mabulaklak ang kaniyang dila. Marunong siyang makisama at makiayon sa lahat ng pagkakataon. Alam niya kung paano bilugin ang ulo ni papa sa pamamagitan ng pakikipag bidahan tungkol sa kanyang paboritong basketball team. At apura din ang puri niya sa luto ni mama kaya naman tuwang- tuwa ang mga ito.
At bago tuluyang umalis, isang matamis na ngiti ang kaniyang iniwan sa akin. Hindi ko alam kung paano ba ako mag rereact sa kanyang ginawa bagamat nakaramdam ako ng kakaibang lungkot habang pinagmamasdan ang kaniyang motor na palayo sa aming subdivision. Lalo lamang akong naguluhan sa aking sarili dahil ang pakiramdam ko ay "gusto" ko muling masilayan ang kaniyang [A1] mukha. 'Yong tipong hinahanap- hanap agad ito ng aking mga mata. Para siyang isang droga na mahirap iwasan. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito nararamdaman bagamat marami naman akong kaibigang lalaki ngunit ibang- iba ang dating niya sa aking paningin. Ang kaniyang prisensya ay nagdudulot ng ibayong tuwa sa aking pagkatao. Ewan, bigla ko na lamang itong naramdaman.
Kinabukasan, habang namimili ako sa isang department store ay napadaan ako sa Sports Wear Section kung saan nakakita ako ng isang sale na helmet kaya naman naisipan ko itong bilhin upang ibigay kay Johan. Bago tuluyang umuwi ay nagpasya akong ipadaan ang taxing aking sinasakyan sa kanilang compound upang iabot ang helmet. Siyempre muli akong binalot ng magkahalong kaba at tuwa dahil muli kong masisilayan ang kaniyang mukha. Pagtapat sa kanilang tahanan ay agad akong kumatok at halos umapaw ang metro ng excitement sa aking katawan. "Sino iyan?" boses ni Nestor. "Tol, ako ito si Aldrin. Nandiyan ba si Johan? Ibibigay ko lamang sana itong helmet niya," tugon ko habang papasok ng kanilang bahay.
"Nakoww... wala pa dito si pareng Johan. Kagabi pa ito hindi umuuwi. Ang alam ko ay bumira ito ng babae kagabi kaya hanggang ngayon ay wala pa. Baka napagod ng husto," paliwanag niya.
"Anong bumira ng babae?" tanong ko naman habang napapakunot ang aking noo.
"Ah... haha. Bumira ng babae na ang ibig sabihin ay "tumira o kaya ay nakipag sex sa babae" heto na pang ang text niya kagabi," muling paliwanag ni Nestor at pinabasa sa akin ang text message ni Johan.
"TOL HINDI AKO MAKAKA UWI NGAYONG GABI. ALAM MO NA KAILANGAN KO RING TUMIRA PAMINSAN MINSAN. HEHE. TIGANG AKO KAYA MALAS TONG BABAE NA TO. WASAK ANG KWEBA NITO."
"At talagang all caps pa ang kaniyang text, intense na intense," pagbibiro ni Nestor. "Ganyan talaga 'yang si Johan, babae na ang lumalapit sa kaniya. Mainam pa tol iwan mo na lamang dito ang dala mo upang maibigay ko mamaya kapag dumating na siya".
Tahimik.
Tila nabusalan ang aking bibig noong mga sandaling iyon. Halos bumagsak ang metro ng aking excitement dahil sa aking nalaman. Ang lahat ng saya ay napalitan ng kakaibang sakit at pagkainis. "Ah... eh, sige tol, iiwan ko na lamang sa'yo itong helmet. Pakibigay na lamang kay Johan. Aalis na ako at tumatakbo ang metro doon sa taxi Hehe" pagkukunwari kong natatawa ngunit hindi ko maikubli ang aking labis na pagkabalisa. "Pare okay ka lang ba? Bigla kang namutla?" tanong ni Nestor habang palabas ako ng pintuan. "Oo naman! Ayos lang ako. Salamat tol," sagot ko bagamat alam ko sa aking sarili na hindi talaga ako maayos. Bakit ko ba ito nararamdaman? Lalaki si Johan at natural lamang na makipagtalik ito sa mga babaeng natitipuhan niya. Ngunit ang nakapagtataka lamang ay kapag naiisip ko ang bagay na ito ay tila mayroong tumutusok na matulis na bagay sa aking dibdib. Nasasaktan ako at nawawala ang aking saya.

BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...