Ang Gwapong Gago Part 23

12.7K 532 73
                                    

PAUNAWA:

 “Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

                         

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 23

 

Pagsapit ng bagong araw, muli akong ibinalik sa ospital upang operahan. Ang sabi sa akin ni papa ay nakahanap na raw ng donor upang mapalitan ang aking mga mata kaya naman ipinagtuloy na nila ang operasyon upang ako ay muling makakita. Habang nakahiga sa operating room ay ibayong kaba ang aking nararamdaman ngunit ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit parang may kung anong bagay ang kumukurot sa aking puso dahilan para tumulo ang luha sa aking mga mata. Napakabigat ng aking pakiramdam na parang may isang malaking bagay ang nakadagan sa aking dibdib.

"Aldrin, dont cry hijo. Just relax! After this ay muli ka nang makakakita,"ang wika ng doktor sabay turok ng pampatulog sa aking katawan kaya naman wala na akong naalala pa.

Ilang linggo ang lumipas…

Dumating na ang takdang araw upang alisin ang gasa at bendahe sa aking mga mata. Tahimik ang paligid at wala akong marinig na ingay mula sa silid kaya naman hindi ko lubos maisalarawan ang dapat kong maramdaman. Pinaghalong kaba, pananabik at matinding pangamba ang namayani sa aking pagkatao habang iniisa- isang alisin ng doktor ang takip sa aking mata. "How do you feel Aldrin? Masakit ba?" ang bulong nito sa akin. "Hindi naman po, kinakabahan lamang at hindi ko ito maipaliwanag. Marahil ay iniisip ko lang kung ano na ba ang itsura ng mundo hehe," sagot ko naman habang nakangiti bagamat kumakabog talaga ang aking dibdib.

Natawa ang doktor at muling nag salita ito "Natural lamang iyan Hijo. Huwag kang mag- alala dahil alam kong successful ito kaya’t irelax mo lamang ang iyong sarili. After a few minutes ay siguradong masisilayan mo na ulit ang mundo. Pero be careful, hindi mo dapat inaabuso ang paggamit ng iyong mga mata kaya iwasan mo muna ang madalas na pagbabad sa computer, laptop, cellphone at kung saan- saan pang gadget na mayroong monitor. Kapag sobrang init naman ang paligid much better to wear sun glasses upang hindi ka nasisilaw."

Tahimik sa loob ng silid at wala akong marinig na ingay o kaluskos man lang. Ramdam ko rin ang unti- unting pag alis ng mga gasa sa aking mata hanggang sa dalawang bulak na lamang ang natira dito. "Okay Aldrin, gusto kong marahan mong buksan ang mga mata mo. On the count of three ha.. Medyo mahapdi at masakit ito habang idinidilat mo ngunit sa una lamang iyan. One.. two... three..."

Marahan kong binuksan ang aking mata at nakaramdam ako ng matinding kirot at paghilam dito. Kaya naman muli ko itong ipinikit. Ramdam ko ang luhang tumutulo sa aking mukha. "Masakit po," ang tangi kong nasabi. "Mawawala rin iyan hijo. Muli mong buksan ang mga mata mo. Paunti- unti..." ang muling utos ng doctor.

Muli kong binuksan ng marahan ang aking mata, unti- unti ito at tiniis ko ang matinding sakit at kirot. "That’s right Aldrin. C’mon kaya mo iyanm" ang sabi ng doctor kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa dahan-dahan ko nang nakikita ang kulay ng paligid bagamat may kalabuhan ito. "Kaunti nalang Aldrin, malapit na…" ang muling salita ng doktor kaya’t mas lalong lumakas ang aking loob na ituloy- tuloy ang pag dilat ng aking mata hanggang sa maibukas ko na ang kabuuan nito…

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon