Ang Gwapong Gago
AiTenshi
January 12, 2015
Chapter 20
Matapos ang nakakakilig na tagpo ng aking buhay sa itaas ng ferris- wheel, muling nagbalik sa normal ang lahat. Gigising ako sa umaga katabi ang aking kasintahan at matutulog sa gabi ng magkayakap. Tila isang perpektong love story ang aming pinagsasaluhan sa bawat oras na nagdaraan. Minsan nga lang ay sumasagi sa aking isipan kung hanggang kailan ang kaligayahang ito at nakakaramdam ako ng ibayong lungkot kapag naiisip kong walang permanente sa mundo. Pero sa kabila ng mga ito, nananatili pa rin kaming matatag sa lahat ng mga problemang susubok sa aming pagmamahalan.
Isang hapon, nakareceived ako ng text message mula kay Johan na hindi raw niya ako masusundo sa pag- uwi, kaya naman naglakad na lamang ako patungo sa sakayan ng jeep. Habang na sa ganoong paglalakad may napansin akong isang bagong bukas na tindihan sa kabilang parte ng kalsada kaya naman dumaan muna ako doon para makiusisa. Kakaiba kasi ang itsura nito dahil may pagka weird ang mga desenyo. Mula sa kakaibang palamuti sa pintuan hanggang sa mga kurtinang ginamit sa loob ay talagang kaagaw- agaw ng pansin.
Doon ko napag alaman na isa pala itong "Magic Shop" kung saan nagtitinda sila ng mga lucky charms, anting-anting, mga love books at magic potion. Nabilib ako at namangha habang pinagmamasdan ang mga produkto ng naturang tindahan. Mukhang ang kanilang target market ay mga teen- agers na gustong mapasagot ang mga taong nagugustuhan nila. "Mainam ang isang iyan pang taboy ng malas at negatibong enerhiya sa paligid," ang wika ng may- ari ng tindahan habang pinagmamasdan ang bracelet na aking hawak.
"Ang mga bracelet na iyan ay may kaniya- kaniyang katangian dipende sa kanilang kulay. Halimbawa ang kulay asul ay pamproteksyon, ang pula naman ay para sa pagmamahal, ang puti ay para sa pag- asa, dilaw para sa pag- aaral, berde para sa negosyo at itim naman para sa swerte. Iyan ang pinaka mabisang charm na pinagkakaguluhan ngayon sa ibang bansa katulad ng Thailand, Vietnam at China."
"Ah… eh, hindi ko po alam kung ano ang nababagay sa akin," ang wika ko naman sabay kuha ng mga bracelet.
"May kasintahan ka ‘di ba? Maganda kung kukunin mo ang kulay puti para sa pag-asa at ibigay mo naman ang kulay pula simbolo ng pag- ibig sa iyong kasintahan," tugon nito
"Teka, paano mo na laman na may kasintahan ako?" tanong ko naman sa kaniya.
"Nababasa ko ito dahil sa positibong aura ng iyong katawan. Kaya alam kong mas bagay sa iyo ang kulay puting bracelet dahil ikaw ang simbolo ng pag- asa ng iyong kasintahan, at ang pula naman ay bagay sa iyong kapareha dahil ramdam kong wagas ang pagmamahal nito sa iyo," paliwanag niya kaya naman mas lalo akong nakumbinsi na bilhin ang dalawang bracelet.
Ang isang bracelet ay nakakahalaga ng 250 pesos at dahil nga dalawa ang aking kinuha ay binigyan niya ako ng malaking discount. Bukod pa rito ay inaya niya akong maupo sa lamesa upang basahin ang aking kapalaran. Ang babaeng may- ari ng shop ay nagpakilalang isang psychic o ‘yong may kakayahang sabihin ang hinaharap ng isang tao base sa ikot ng mga bituin, linya sa palad o kaya gamit ang braha. Ang pangalan nya ay Zoila ngunit mas kilala sa tawag na "Madam Z".
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...