Ang Gwapong Gago Part 3

22.6K 869 100
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

Fb: ai_tenshi@rocketmail.com

 

Chapter 3

 

"Ikaw pala, anong hangin ang nagdala sa iyo dito?" tanong ni Johan habang pumapasok sa bahay.

"Ah… eh, wala naman gusto lang sana kitang maka-usap," sagot ko naman habang nakatingin sa kaniyang mukha.

"Abaa… mukhang seryoso ang pag- uusapan niyo ah. Sige aalis na muna ako," sabad naman ni Nestor habang nakangisi ito.

Naiwan kami ni Johan sa sala at doon ay nabalot sa matinding katahimikan ang buong paligid. Halos napako na lamang ang aking tingin sa kanyang gwapong mukha habang siya naman ay naka tingin sa mga nagkalat na pitaka sa lamesa. "Ah… eh, pasensya ka na, inilabas ng kaibigan mo ang mga wallet na iyan. Ang akala niya kasi ay isa ako sa dinukutan mo".

Lumapit ito sa lamesa at isa- isang kinuha ang mga dukot na pitaka "Pakialamero talaga ang sira- ulong ‘yon. Teka, ano bang kailangan mo? Sa aking pagkakaalam ay amanos na tayo"

.

"Gusto ko lamang magpasalamat sa iyo dahil sa pagtulong mo sa akin. At nais din ni mama at papa na ipaabot ang kanilang pasasalamat. Tanggapin mo daw ito bilang regalo," wika ko sabay abot ng isang sobre na naglalaman ng malaking halaga.

Kinuha niya ang sobre at sinilip ang laman nito. "Mabuti naman at magaling ka na., Kung hindi kita hinila sa eskinita marahil ay isa kang tinustang lechon ngayon. Pasalamat ka sa isang mabait at gwapong katulad ko dahil nag magandang loob akong tulungan ang isang madaldal at mataray na katulad mo,” Napahinto ito noong makita ang laman ng sobre “Wow pera!!! Ayos pala yang mga magulang mo. Sige hindi ko ito tatanggihan," Dagdag nito habang naka ngiting aso at inilagay ang sobre sa kanyang bulsa. "May kailangan ka pa ba?"

"W-wala na… sige aalis na ako. Salamat ulit," sagot ko sabay tayo at mabilis kong tinahak ang pinto palabas. Ewan. Medyo na "turn- off" ako sa kaniyang inasal, bagamat inaasahan ko naman na kukunin niya ang sobre na aking ibinibigay ngunit nabigla lamang ako sa kanyang mala demonyong ngiti na tila nasusunog sa ilalim ng lupa ang kaniyang kaluluwa. At ang isa pang nakakakilabot ay ang pagiging halang ng bituka at sikmura niya. Biruin niyo ang daming mga nakaw na pitaka sa paligid. At lahat ng iyon ay kinuha niya sa iba’t ibang tao. Sayang lamang dahil nais ko pa naman siyang maging kaibigan pero mukhang malabo iyon sapagkat malaki ang pagkakaiba naming dalawa kaya mas makabubuting kalimutan ko na lamang ito. Hindi magandang ideya ang makipag kaibigan sa isang linta!!!

Sa pagdaan ng mga araw, tuluyan ko nang hindi na silayan ang mukha ni Johan bagamat may mga sandali na sumasagi siya sa aking isipan ngunit sa pagkakataong ito ay malimit na lamang. Iwinaksi ko na rin ang aking pagnanais na maging kaibigan niya sapagkat imposible yata iyon dahil hindi normal ang kaniyang nakagawian at bukod pa roon ay paniguradong gugulo lamang ang aking buhay kung makikilala ko siya ng mas malalim pa. Marahil ay "naaawa" lamang ako sa kaniyang mga titig kaya’t nag nais akong kilalanin siya ng mas higit pa. At alam kong sa pagkakataong iyon ay isang malaking pagkakamali ang aking ninanais gawin kaya naman nagpapasalamat ako sa pagkakataon dahil hindi ito natuloy pa.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon