PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
Ai_Tenshi
July 4, 2020
Part 30
Matapos ang aming engagement ay tumulak naman ang mag kakabarkada sa compound. Ang makasaysayang one to sawang inuman na ipinangako ni Johan ay kanyang tutuparin kaya't ang mga mokong doon ay excited. Kami naman nina Greg, Julian at Dante ay sumunod nalang sa kanila, nag inuman rin kami ngunit naka bukod ng table. Kung makikihalo kami doon ay tiyak na hindi mag eenjoy ang tatlo dahil mahihiya ang mga ito na mag kwento at mag yabang kanilang mga kaibigan. Katulad na lamang ng pinag yayabang ni Johan na binugbog niya ako dahil umuwi akong lasing na lasing. Ang totoo noon ay siya ang binugbog ko dahil siya ang umuwing lasing na lasing at susuray suray sa sala. Sumuka pa siya doon kaya nakakahiya pa kila mama.
"Masanay na kayo. Lalo iyang si Shan, matinding mag hilik kaya nga kung minsan tinatakpan ko nalang ng tissue ang bibig. At yung ibang kaibigan ko sa ospital ay kinakausap siya ng english dahil may lahing kano ito, ang gago ay hindi makasagot. Pero puro pag yayabang ang alam, parati ring madumi yung lababo ng CR doon sa silid namin dahil kapag nag aahit ito ay naka kalat doon yung mga buhok at yung shaver ay nasa sahig. At eto pa, ang pinaka ayoko sa lahat ay yung uutot siya sa tabi ko tapos ay siya pa ang magagalit sa akin. "Ikaw na nga lang ang makiki amoy galit ka pa! Umuutot ka rin naman ah, mahina lang pero mas mabaho ito." Iyan ang sabi niya.
At nagawa pa akong lecturan tungkol sa utot ng tao. Ang sabi niya ay "Ang pinaka mabahong kulay ng utot ay ang Pink, mahina pero sobrang sangsang ng amoy! Ang pinaka malakas na utot ng tao ay kulay Black dahil may kasama nang dumi iyon! Kapag black ang utot mo siguradong may lalabas na kaya kailangan mong pumuntan sa CR. Tangina, diba Nurse ka? Dapat alam mo yun! Napaka basic!"
"Oo nga Nurse ako pero hindi itinuturo ang utot sa ospital! At isa pa kung uutot ka ay lumabas ka naman ng kwarto dahil naka aircon tayo, tiyak na makukulob yung masamang amoy at yung mikrobyo ay mag lilipana sa hangin. Mag kakasakit tayong dalawa baka pati kapatid mo na nasa kabilang silid ay maapektuhan rin kapag tumagos doon ang toxic mong airbomb!" ang sagot ko pero sa halip na mag sorry ito ay idinikit pa sa mukha ko ang pwet niya. Marami pang kalokohan si Shan, naisstress nalang ako kapag pinag uusapan ito." ang salaysay ni Julian habang lumalagok ng alak.
"Oh atleast utot nalang ang kalaban mo ngayon, wala nang babaeng umeepal diba? Look at the bright side. Saka sa gwapo ni papa Shan na iyan tiyak na bibigay ka rin kapag nakahubo't hubad na siya sa harap mo. Ikaw naman misis Gregory Robles, kamusta si Raul two years matapos kayo kayong ikasal ng kanto boy?" tanong ni Dante
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...