AGG S2 Part 47

3.5K 261 25
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

July 19, 2020

Part 47

Araw ng Sabado, nakatanggap ako ng message mula kay Julian, nag papasama ito sa mall sa kabilang bayan upang mamili ng mga gamit. Kahit may ginagawa ako, hindi ko naman ito matanggihan kaya't agad akong nag reply na ako na ang sasama sa kanya. Alas 9 ng umaga noong daan niya ako gamit ang sasakyan nila ni Shan Dave. "Thank you talaga bro. Wala kasi si Dante at mayroon silang tinatapos na inventory sa kainan. Tapos si Shan Dave naman ay kasama ni papa sa business meeting niya sa province."

"Okay lang, maliit na bagay lang ito. Nga pala ano bang mayroon sa kabilang bayan?" tanong ko.

"Doon kasi mayroong mga murang sala set, alam mo na medyo nag sstart na kami ni Shan Dave na bumukod kila mama. Actually sa katabing bahay lang rin kami, hindi naman kasi pumayag ang parents ko na lumayo kaming dalawa kaya ang ending ay pinadugtungan lang nila yung bahay ng maliit na space para sa amin." ang natatawang sagot ni Julian.

"Wow, good para sa inyo ni Shan. Atleast ay responsable siya kesa kay Johan na puro sakit ng ulo ang dala." ang tugon ko.

"Marami ring kalokohan iyan si Shan Dave, saka madalas ay binibiro ako ng mga kawork ko dahil ang kapareha ko raw ay isang amerikano. Kapag nag lalakad kami sa mall, ang iniisip ng iba ay nakilala ko ito sa international dating apps. Ang hindi nila alam ay halos dumudugo ang ilong nito kapag kinakausap ng english ng kanyang nakababatang kapatid." natatawang pag kukwento niya. "Teka, kamusta si Johan, naka recover na ba siya?"

"Sabi ng papa niya ay nakakalakad na raw ito ng maayos. Sa loob ng one week ay mabilis nag hilom ang kanyang sugat at ngayon nag pplano nanaman siyang bumalik sa compound para mag hasik ng lagim. Yung sumaksak sa kanya nahuli na rin noong nakaraang araw at ngayon ay naka kulong doon sa sentro."

Natawa si Julian. "Sayang yung engagement niyo. Sa palagay ko naman ay mataas lang ang pride ni Johan kaya ganoon nalang ito kung magalit. Mahal ka pa niya at hindi basta basta nawawala iyon." ang tugon niya sabay bukas ng kanyang bag. Dito ay sumabog ang napakaraming chocolates na may iba't ibang brand. "Ang dami naman nito. Mahilig ka pala sa matamis?"

"Hindi naman, bigay lang iyan ng mga kaanak ng mga pasyente sa ospital. Mayroon talagang pamilya na mapag bigay lalo't kapag nakagiliwan ka nila. Kuha ka na, damihan mo dahil good ang mga iyan. Chocolates is said to contain phenylethylamine. Iyon ang kaparehong chemicals na pino-produce ng brain kapag tayo ay na f-fall in love. Kaya kung wala kang love life, kumain ka ng chocolates." ang wika nito dahil para matawa ako at binuksan ko ang isa para kainin.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon