AGG S2 Part 26

5.4K 274 15
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

Ai_Tenshi

June 30, 2020

Part 26

"At talagang gabi ka na nga naka uwi ay nag uwi ka pa ng trabaho dito. Hindi pa ba sapat yung 9 hours mo sa opisina? Dapat sa mga oras na ito ay inaalagaan mo nalang ako." ang sermon ni Johan noong makauwi ito at naabutan akong may ginagawang design sa aking laptop.

Agad ko itong isinara at saka ngumiti noong makita ko siya. Naka suot ng polong hapit sa katawan, napaka bango at napaka gwapong tingnan. "Wala ka pa kasi kanina kaya tinapos ko lang itong design ko. Bakit ginagabi ka?" tanong ko.

"Nag hanap kami ni pareng Raul ng venue para engagement natin. Saka madaming sale kanina kaya hindi agad kami naka alis." sagot niya habang nag huhubad ng damit. "Bilisan mo dyan at maligo na tayo ng sabay. Alam mo ba kung anong araw ngayon? Biyernes ngayon, kantot night natin kaya mag handa kana, babaon ko sa iyo to." ang pilyong wika niya sabay hubo sa kanyang suot na brief, ibinuyangyang niya ang titing tirik na tirik sa tigas, naka kurba paitaas at pulang pula na parang kabute ang ulo.

Ngumiti ito at pumasok sa banyo. Ang mga damit na hinubad ay naka kalat lang sa sahig. "Sira ka talaga, para kang ahas na nag huhunos. Kung saan mo nalang iwanan tong mga damit na pinag hubaran mo." ang pag mamaktol ko habang isa isang pinupulot ang kanyang mga damit para ilagay ito sa lagayan ng marurumi. "Teka kumain kana ba?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harap ng banyo.

"Oo, nag libre si Pareng Raul. Ilan ba ang bisita mo sa engagement natin?" tanong nito.

"Hindi ko pa alam, sa palagay ko ay wala namang masayado. Imbitahan nalang natin yung mga kabarkada mo sa compound para mas masaya." ang naka ngiti kong sagot habang hinubad ang aking saplot para sabayan si Johan na maligo.

Lumapit ako sa kanyang tabi tumapat sa shower. Nilagyan ko ng shampoo ang aking ulo. "Pero naisip ko na okay lang rin na kaunti yung tao para makatipid tayo. Ayokong humingi ng tulong kay papa tungkol sa bagay na ito."

"Si papa mo naman ang may gustong gumastos. Hindi naman tayo nag aask sa kanya diba? Pati sina mama at papa gusto rin tumulong."

"Ah basta, kaya ko to. Gusto kong makita nila na kaya responsable akong lalaki na kaya kong ibigay ang luho ng taong mapapangasawa ko. Na kaya kong dumiskarte para sa magiging pamilya ko. Ang sabi sa akin ni Pareng Raul ay mas magandang mapatunayan ko na may kakayahan akong maging ulirang padre de familia." matigas na sagot ni Johan na punong puno ng kompiyansa sa sarili na hindi hihingi ng tulong sa aming mga magulang.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon