PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
Part 54
"Anak okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka nakatulog?" tanong ni mama.
"Okay lang ako ma, hindi naman talaga ako nakatulog dahil sa sakit ng rejection na ginawa ni Johan sa akin kagabi. Sa sobrang sama ng loob ko ay nag tatakbo ako hanggang marakating sa kabilang kanto, doon na ako sumakay ng taxi pauwi dito." ang sagot ko.
"Unawain nalang natin ang nararamdam ni Johan, nasa estado siya ng pagiging emosyonal, masyado siyang balat sibuyas dahil ang pakiramdam niya ang lahat ay kinaawaan siya. Para sa isang taong mataas ang pride at hindi nag papatalo ay masasabi kong ito na pinaka biggest downfall niya." ang wika ni papa.
"Kahit na pa, maling itinataboy ang taong lubos na nag papahalaga sa iyo. Maling mali iyon papa." ang sagot ko.
"So anong plano mo?" tanong ni mama.
"Edi pupuntahan ko pa rin si Johan at aalagaan. Alangan namang iwan ko siya doon." ang sagot ko sabay tingin sa kalangitan. "Masama yata ang timpla ng panahon."
"May bagyo kasi kaya ganyan ang kalangitan, maitim at malalakas ang kulog. Kung pupunta ka kila Johan ay agahan mo at baka abutan ka pa ng malakas na ulan." tugon ni mama.
"Mainam pa nga siguro ma, dadaan pa ako sa supermarket para mag grocery. Ipag luluto ko si Johan ng pasta." ang wika ko sabay kuha sa aking gamit. Kumuha rin ako ng payong at sweater dahil medyo maulan ng panahon. "Gusto mong bang ihatid kita?" tanong ni papa.
"Hindi na po papa, ayos lang ako." tugon ko sabay halik kay mama para mag paalam.
Lumabas ako ng gate hawak ang aking payong. Medyo maulan at malamig ang hangin sa paligid kaya naman isinara ko ang aking sweater at saka inilagay ang aking wallet sa bulsa.
Nasa ganoong pag lalakad ako patungo sa sakayan noong mag ring ang aking cellphone. Tumatawag si Dante kaya naman agad ko itong sinagot. "Hindi naman ito emergency, ichichika ko lang na inistalk ko si Clifford Marzan sa facebook. At alam mo ba ang nakita ko? Naku napaka dami pala niyang picture na naka brief at sobrang daks ha. Parang may C2 sa loob ng brief!" ang bungad nito.
Natawa ko. "Sira ka talaga. Nasaan ka ba ngayon?" tanong ko.
Tuloy pa rin ang pag ulan..
"Nandito sa restaurant, nga pala wala namang kinalaman sa brief at etits ni Clifford ang kwento ko. Ang tunay na pasabog dito ay may nakita ko sa mga lumang albums niya. Alam mo ba na mag kilala sila nung babaeng naging sanhi ng pag bulag mo. Remember naikwento mo sa amin iyon dati pa at sa pag kaka alala ko ay Elise ang pangalan niya. Tama, Elise nga, naku may mga larawan sila doon sa facebook ng mag kasama. Kaya malaki ang conclusion ko na mag connect talaga silang dalawa. At alam mo ba may mga larawan sila doon sa swimming pool na.."
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Gago
Romance"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...