Ang Gwapong Gago Part 9

17.7K 620 12
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 9

 

Naging maayos ang takbo ng samahan namin ni Johan. Sinubok man kami ng mga balakid noong nakakaraang mga araw, nanatili pa rin kaming matatag na humaharap sa mga hamon ng buhay. At magmula noong magbalik loob si Johan sa kaniyang ama ay mas naging mas matino ito at umiral ang  pagiging sensitibo niya sa mga bagay sa kaniyang paligid. Doon ko napagtanto na malaki pala talaga ang nagagawa ng ibayong suporta at pagmamahal sa isang tao dahil nagagawa niyang baguhin ang mga bagay na sa akala niya ay hindi niya kayang baguhin. Kaya naman sa pagdaan ng mga araw ay nag tuloy- tuloy  pa ang ligaya sa aming buhay at tila wala nang katapusan ang mga ito.

Isang hapon, sinundo ako ni Johan sa aming paaralan upang isama sa kanilang tahanan. At dahil nga naipagpaalam na rin niya ako sa aking mga magulang ay wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanyang pag- uwi. "Teka bakit ang dami mong dala? Ilang araw ba tayo doon sa lugar niyo?" tanong ko lang. "Tatlo! Huwag kana nga magtanong diyan. Weekend naman kaya’t wala kang karapatang mag inarte ngayon. Liban na lang kung may ibang lalaki kang katagpo bukod sa akin," wika nito habang inaayos ang aking seat- belt.

"Wala no, ang isang gagong katulad mo ay sapat na sa akin. Ayoko na ng isa pa dahil baka masiraan na ako ng bait," kunwaring pagmamaktol ko. "Gago nga ako pero gwapo naman at malakas ang appeal!" pagyayabang niya sabay start ng kaniyang sasakyan.

"Ewww, malakas ang tama mo. Teka naka inom ka ba?" pang- iinis ko at inilapit ko ang aking ilong sa kaniyang mukha, kunwari ay inaamoy ko ito nang bigla niya ako sunggaban na halik. "Hahaha. ano ka ngayon! Sige isa pang lapit mo dito at itotorrid kita dito…" pagbabanta nito habang naka ngising demonyo.

"Bakit naman ako lalapit?"

"Dahil masarap akong humalik. At alam kong naadik ka sa lasa ng laway ko".

"Ewww!! Kapal!!!"

Ilang oras din kaming nagkukulitan sa loob ng sasakyan hanggang kapwa kami mapagod kaya naman binuksan ko na lamang ang sterio ng kanyang kotse upang makinig ng kanta. Ganito kami ni Johan magkulitan kadalasan ay may halong lambingan dahil isa ito sa mga bagay na bumubuhay sa aming samahan. At ito rin ang kadalasang hinahanap- hanap ko kapag wala siya sa aking tabi, kaya tiyak na malulungkot talaga ako kapag nawala siya sa akin.

Music Playing

We Can’t Stop

Boyce Avenue

Red cups and sweaty bodies everywhere

Hands in the air like we don't care

'Cause we came to have so much fun now

Bet somebody here might be the one now

If you're not ready to go home

Can I get a "Hell, no!"?

'Cause we're gonna go all night

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon