AGG S2 Part 40

3K 244 46
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

July 14, 2020

"Tapos na yung magandang panaginip, bumalik na tayo sa dati." ang dagdag ko pa sabay talikod sa kanya.

Part 40

Alas 6 ng gabi, mabilis akong nag check out sa front desk hotel, maya maya ay kasunod ko na rin si Johan dala ang kanyang mga gamit. Pero hindi na ako nag paabot sa kanya, agad akong lumabas sa gusali at nag tungo sa abangan ng taxi.

Nasa ganoong posisyon ako noong huminto ang aming sasakyan sa aking harapan. Bumukas ang pintuan nito para pasakayin ako, walang kibo si Johan sa driver seat, ni hindi ito tumitingin sa akin. "Pride nalang, hindi ako sasakay!" iyan ang bulong ko sa aking sarili, mabuti nalang at saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko ito at agad akong isinakay. "Naku boss medyo malayo iyon."

"Handa akong mag bayad kahit mag kano. Please." ang paki usap ko.

"Bakit di ka pa sumakay doon sa kasama mo?"

"Dahil isang psychotic iyon at may tama sa utak. Mahirap na dahil baka saktan nanaman niya ako." ang wika ko naman.

"O siya Boss, ihahatid kita hanggang doon sa terminal ninyo, maaari kang sumakay ng bus o taxi kapag nandoon na. Dalawang oras na byahe ito kaya relax ka lang. Basta kung mag kano ang lumabas sa metro ay huwag mo ako babaratin. Kung sa bagay mukha ka namang mayaman kaya tiyak na hindi mo iyon gagawin." ang wika ng matandang taxi driver sabay bukas stereo ng kanyang sasakyan.

I started a joke which started the whole world crying
But I didn't see that the joke was on me oh no
I started to cry which started the whole world laughing
Oh If I'd only seen that the joke was on me

I looked at the skies running my hands over my eyes
And I fell out of bed hurting my head from things that I said
'Till I finally died which started the whole world living
Oh if I'd only seen that the joke was on me

Maya maya tumapat si Johan sa aming taxi at sumigaw. "Hoy tanda! Baliw iyang sakay mo! Hindi iyan mahal ng mama niya!" sigaw nito sabay overtake sa amin sa mas mabilis na pag papatakbo.

"Huwag mo nalang pansinin iyon, siya yung kakambal ni Penny Wise na naka anyong tao." ang sagot ko.

"Iyan ang hirap sa inyong mga kabataan ngayon, kapag mag kasundo kayo ay hindi kayo mapag hiwalay, lagi kayong mag kasama at pinag sasaluhan ang ligaya sa bawat minutong lumilipas. Pero kapag nag away kayo ay walang katapusan siraan ang inyong ginagawa hanggang sa tuluyan kayong mag kalimutan. Minsan mahirap talagang malaman ang totoong plano ng buhay sa isa't isa pero kung parehong paiiralin ang galit ay tiyak na walang mag tatagal." ang wika niya habang nag ddrive.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon