Ang Gwapong Gago Part 19

16.7K 563 29
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 19

Lumipas ang masasayang araw sa buhay namin ni Johan. Wala pa ring pagbabago sa aming relasyon at alam kong mas lalo pa itong pinagtibay ng panahon. Sa bawat oras na kami ay magkasama ay tila walang katapusan ang aming saya. Ilang buwan pa lamang kaming magkasintahan ngunit pakiramdam ko ay higit sa isang taon na ito. Madalas kaming mamasyal sa iba’t ibang lugar kung saan malaya kaming nakapaglalakad ng magkahawak- kamay at wala kaming pakialam sa mga taong nakakakita sa amin. May isang pangyayari pa nga sa aming date na lumuhod ito sa aking harapan at sinuutan ako ng singsing habang nanonood ang mga tao sa paligid. Ganoon kalakas ang loob ni Johan. Naalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin noong mga oras na iyon "Basta mahal kita at handa akong ipagmalaki ito sa buong mundo."

Isang hapon, na-aya si Johan sa bagong bukas na plaza doon sa bayan. Naalala ko nga pala ang nalalapit na pista ng aming patron kaya’t isa- isa nang nagdaratingan ang mga taong nag- aayos ng mga rides at iba’t ibang palabas doon sa nasabing lugar.

At dahil nga ito ang unang pagkakataon na mapupuntahan ko ang sinasabing atraksyon ay ibayong pananabik ang aking naramdaman habang tinatahak ang daan patungo sa bayan kung saan nandoon ang plaza.

Pagdating doon agad kong hinatak si Johan sa pilahan ng ticket. May kahabaan kasi ang pila kaya’t nagmamadali ako. "Ang haba ng pila oh? Mamaya pa iyan matatapos. Gusto mo ba mandukot na lang ako ng ticket? Madali lang iyon para sa akin," bulong nito habang nakangising aso. "Tado! umandar nanaman iyang pagiging mandurukot mo. Pipila na lang tayo dito hanggang sa maka kuha ng ticket," bulong ko naman at hinakawan ito sa kamay. Mahirap na baka maya- maya ay mandukot nga ito dahil sa matinding pagkainip.

"Ang hina mo naman kasi eh. Diska-diskarte lang iyan. Tsaka bakit ba kailangan pang pumila dito pwede naman akong sumingit doon!"

"Kailangan nating pumila at sumunod sa patakaran. Ayon oh? "Fall in line!" Kaya dito ka lang at hindi ka aalis sa tabi ko," pagpapaliwanag ko.

"Hmmmp! Matagal pa ‘yan! Kung pinayagan mo akong mandukot ng ticket sana ay kanina pa tayo nakapasok," pagmamaktol nito.

"Hayaan mo na nga. Huwag ka na magreklamo diyan. May mga bagay talaga na dapat paghirapan muna bago ka maging masaya. Katulad nitong pagpila para makakuha ng ticket. Kahit na limang minuto lamang ang rides ay pinipilahan pa rin ito dahil may kakaibang saya ang dulot nito sa kanila. Sa makatuwid, ang mga tao sa mundo ay handang maghintay para lamang makamit ang kaligayahan!" ang pagpapaliwanag ko kung bakit kailangan naming pumila. "Ano? Naintindihan mo ba Mr. Escaler?!" tanong ko ngunit wala na pala ito sa aking tabi. ‘Yong tipong salita ka ng salita pero wala na palang nakikinig sa iyo. "Johan?!" sira- ulong iyon ah!

Hinanap ko siya at nakita kong nasa harap na pala ito at naka ngising aso habang bumibili ng ticket sa rides. Ibang klase talaga ang isang tao, wagas ang panlalamang sa kapwa. "Naka bili na ‘ko!!!" ang sigaw niya at nagmamadaling pumunta sa akin. "Ang dami mo pa kasing satsat eh, kita mo na? Diskarte lang iyan! Buti na lang mahilig sa gwapo ‘yong babae doon sa pilihan kaya pinasingit niya ako. Pasalamat sa kapogian at sex appeal ko!" pagyayabang nito habang pumapasok kami sa entrance ng amusement park. Mahirap talaga pag nagkaroon ka ng kasintahang pasaway. Walang patakaran sa kaniya at siya ang masusunod. Kung sa bagay at least, bumili siya ng ticket at hindi nandukot sa mga batang nagdaraan. Iyon pa naman ang target niya kanina. Hehehe.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon